Mabagos


Masarap siyang kausap. Masarap siyang kumain. Masarap siyang maghikab, kaya sa tuwing mamemeke siya sa Jollibee nahahawa ang marame. Yung tipo ng hikab na bukang-buka ang bibig at halos di na kaya ng panga. Sobrang distorted ang mukha.

Masarap kasama dahil paniniwalain ka niyang maganda ka sa kabuuan kahit pagsama-samahin ang flaws mo. Minsan nga lang feeling nya ginagamit lang siya dahil pag nagka-boyfriend na ko, di ko na siya sasamahan. Sabi ko na lang, “ Nagpagamit ka naman! Ano ‘kala mo sa sarili mo…public utility?!”

At isang beses, nagsamantala siya. Tinanong ko lang naman kung totoong mataray ako. Sumagot ba naman ng “Mataray ka na, masungit pa!” Aba…sumusobra na and with malutong na feelings pa.

Niyaya ko siyang mag-isaw pero plano pa atang magdala ng kanin. Kesyo magkakamay daw kami at kung ayaw kong yon ang ulam, bibili na lang ng tenga. Anong klaseng calorie trip eto?

These are other things I realized through him:
Ø On language and worldview. Sa Alaska, maraming words for ice / snow. Dito, sagana tayo sa mga salita para sa mabaho (ginagamit para ilarawan ang more exposed areas gaya ng bakuran at may tonong nagrereklamo sa gobyerno) tulad ng “maangot” (medyo cute naman ‘to, kumukulubot ang ilong at tumutulis ang nguso) at “masangsang” (tumutukoy sa malansa, kadalasan sa tambak ng palengke). Teka, walang kinalaman dito ang title kong “mabagos” ha.
Ø Nung high school, hindi pumupwesto si Ton sa loob kapag may laban kami ng Basketball. Sayang matangkad pa naman. Mas gusto pa sa labas dahil addict sa 3-pts. “Bakit? Di ba nya kaya nang malapitan? Tignan mo pati kami malayuan. Pero sa galing ng taong yon, malayo mararating. Baka nga ‘di na ko maisama.”
Ø Iba ang mundo ko kung matangkad ako. Tumayo ka sa lamesa at mag-iiba na ang tingin mo sa mga bagay. Sino kaya si MJ na matangkad ano?
Ø Naaappreciate ko ang ayos ng events sa buhay ko. Parang may Great Planner. At ang galing dahil bawat isa sa ‘tin, walang magkatulad na set ng karanasan. Nag-aral muna ‘ko sa UST bago sa UP. Sa unang tingin parang bad trip at sayang ang isang taon pero tumingin ka uli at mapapahalagahan ang mga natutunan ko sa karanasang yon, pati na yung madalas naming pagkikita ng minamahal. At least may 1 year pa na nagkasama kami.

Comments

Popular Posts