Araw Ko Na


Overwhelming ang bilang ng mga bumati sa kin ng maligayang kaarawan. Hmmm…height alert! Baka sumapit na sa ultimatum ng pagsasara ng growth cap. Minsan talaga nakaka-insecure pag may matatangkad sa paligid. Feeling mo lagi mo na lang silang tinitingala. Mababa ang tingin nila sa ‘yo. Pag minamalas ka, mabubunggo ka pa. “Sorry, andyan ka pala.” Ang malala eh yung pag nasa miting, may magtatanong kung nasa’n ako. E magkatapat lang naman kami. Simula’t sapul, una na ‘ko sa pila, at sa CAT ko lang naranasang mapunta sa likod. Sino pang sisisihin ko sa sistema ng pag-aayos na ito kung saan ang matatangkad ang nasa unang row? Itanong mo na lang sa aming magiting na corps commander. May fear of heights din ako. Pero hindi ako yung nalulula pag nasa ferriswheel. Takot lang akong tumabi sa mga Amerikano. Sana tumangkad na ko sa PE kong stretching. Balita ko may bagong subject na, paghahaluin ang social dance at sportsclimbing. Bale…Social Climbing. Enlist kayo ha?

Na-touch ako sa Squirettes at nagsulat pa sila sa giant card. Pero nakakagulat nang buksan ko dahil nagdikit sila ng picture ng dalawang sakristan para lang i-fill up yung space sa gitna. Itsura pa nila, para talagang bumabati ng happy birthday.

Nung lunch nga pala, kumain kami ng pamilya sa Mami King, Banaue. Pinupuri ni daddy ang ipin ni lola. Humagikgik ako nang humirit si Tita ng “You like it? Take it” at umarteng nagtanggal ng pustiso.

Speaking of detachable objects, meron pala akong kaibigan na iba ang inisip sa commercial ni Angel Locsin. Akala nya: “Gusto nyo bang malaman ang sikreto sa magandang pagpapahaba ng buhok? Tanggalin ang…(sabay hagod sa ulo) buhok!” Naku kung alam mo lang, may pangarap din akong maging shampoo model. Ang problema, kaya ko lang ay yung “BEFORE” o “Alam nyo ba ang sikreto sa buhaghag na buhok? Wag maligo! Dahil ang pagshashampoo ay maaaring sagabal sa pangit na pagpapahaba ng buhok.”

Bago kong motto: Pag may isinuksok, may maNdurukot.

Comments

Popular Posts