City Hall Blues / Karambola Challenge
Binigay ko ang lahat. Ang lahat-lahat. Ngunit kulang, 'di pa rin ako rehistrado. Mas iniyakan ko pa ang Comelec kaysa kay *. Ang pagmamahal nga naman sa bayan.
Siksikan. Singaw ng kabataan. Hampas ng bakal ng gumuguhong Crisologo tent. Pinakamagulong distrito? Numero uno. Ngayon ko nauunawaan kung bakit may mga patay na bumoboto.
Reporter MJ: Kanina po lamang ay nakatayo ang tent na ito, pero ngayon, mistulang handa na sa pagpapakilo. Maiinit ang ulo ng mga tao dito sa city hall kung saan matatagpuan ang tila isang malawak na basurahan.
Man-on-the-street: ‘Kaw na nga ang boboto, ‘kaw pa pahihirapan, ‘kaw pa kukurakutan.
Reporter: Easy lang ho. May picture-taking pa mamaya.
Lahat ng aburidong facial expressions nagawa ko na: Nakapangalumbaba, nakakunot ang noo, nakangiwi, umiiling. Kahit baon mo ang picture ng crush, pagsasawaang titigan. Pupunitin, parang sedula.
Depensa nila: Bakit ngayon lang pumunta?
Kamusta si Rusell sa Manila city hall? Abot daw sa ilog Pasig. Ang baho, kaya sa ibang araw na lang babalik. ‘Yung kasama ko, naubusan ng form. Baka kinurakot ang pampa-xerox? ‘Yung isa, pinanghinaan ng loob dahil sa kapal ng tao.
Sa ‘di kalayuan, may van na pinipilahan. Pagkain ba ‘yon? Baka vote buying line.
Ako, 8:30 ng umaga hanggang 8:30 ng gabi (Dec 29), ‘di pa rin rehistrado. Bale 11 hours nakatayo, bawas na ang mga panandaliang pag-upo. Nakakapanindig-balahibo pala ang Quezon city hall sa gabi!
Tauhan ng Comelec: Balik na lang kayo sa January 3. Pangako picture-taking na lang.
Katipunerong aplikante: Nasa’n ang demokrasya sa Pilipinas?
MJ / Real Pinoy Fighter: (umiiyak, hindi na uubra ang "think happy thoughts" ‘di tulad nung tinatanong siya kanina kung gutom o nauuhaw na)
Umaga pa lang, pagtapak sa covered walk ng city hall, nagtinginan kami ng buddy nang sabihin ng sekyu: “Parang Wowowee ang pila.” Very encouraging din ang marinig ‘to sa katabi sa pila: “Tatlong araw na kami dito.”
Walang upuan. Read: Subukan natin ang tatag ng leg muscles mo.
Walang gabay. Pero may sangang dumarampi sa pisngi mo habang nakapila. Naibalik na ang forms ng mga “bigatin” pero wala pa rin ang akin.
I-recharge ang megaphone na pantawag sa applicants ng voter’s ID!
Karatula: Voter Search. Interview.
Interviewer: Bakit gusto mong bumoto?
Pagod na interviewee: Pakialam mo?
Siksikan. Kinabukasan, si Rusell, nahawakan na ang pinto ng Comelec. Ngunit natapos agad ang ligaya.
Balik sa pila ng QC hall: May binatilyong sumisigaw, “Mabuhay ang Comelec! Ang sisipag talaga ng mga taga-Comelec!” Banat ni Ate, “Di kaya ako taga-Comelec! ‘Wag ka na sumipsip dyan.” Ano kaya kung may hawak pang manok si Ate paglabas ng opisina? Tiyak, maghahalo ang balat sa tinalupan.
Biglang may darating na pulitiko. Magtataka ka’t tinipon na ang mga kasapi sa kanyang distrito at binigyang prayoridad sa pila. Huhuhu…bakit ganon? ‘Di ba nila naisip na lahat ng distrito pinahiram ni Congressman Crisologo namin ng tents?
Pag-uwi, sabi ko kay Mama: “Gusto ko bomoto. (Boses bata)” Ang problema, may ibang taong gumamit ng control number ko. Piktyuran na lang, naudlot pa.
Received yesterday from Rusell: 4 n tao nlng, mkppsok n aq s loob ng ctyhal! Knina p aq 7am! Waaah! (3:44pm)
Received today from Rusell: TAPOS NA AKO! BOTANTE NA AKO NG PILIPINAS! WAHOO! ;-)
Reply: Ayan, pwede kn magbenta ng boto. Pero teka, may eleksyon nga ba? Wahaha
Sabi rin ni Russ, ayaw niyang magtrabaho sa Comelec dahil tatlong numero lang ang involved dyan: Boto, suhol, at natitirang araw ng buhay mo.
Naulanan, nakatikim ng mainit na singaw ng aircon, nakasagap ng usok ng katabi. Oo, mahirap ang registration. Dumating sa puntong ‘di mo na alam kung anong tayo ang gagawin. Maiinggit pa sa ibang may inuupuang ballot box. Pero ‘di nabawasan ang pananabik ko sa pagboto.
*'Yung iba siguro nagtataka: Anong nginangawa nito e napakadali nung ako ang nagparehistro. Lilinawin ko lang: Hindi pare-pareho ang naging trato nila sa 'tin. 'Yung kasabay kong magpasa ng application form, 5pm pa lang tapos na pero ako, kinailangan pang bumalik matapos abutin ng alas-otso. Dahil nga ito sa control number problem. 'Pag nilapitan ka nga naman ng malas. Tapos, marami pa kaming minalas.