All About John Lloyd

Nagkakamali ka, hindi ako fan ni John Lloyd Cruz. Ibinigay lang siya sa ‘min ng prof bilang main character kunwari sa script na gagawin. Anthology. Pinaisip niya kami ng pamagat at ito ang mga lumabas sa klase:

John Ka Lang (parang talk show)
Wag John, May Kiliti Ako John (censored)
Ako Si Lloyd (parang segment lang para sa nawawalang bata)
The John Lloyd Show (gameshow)
Dear John Lloyd
Nagmamahal, John Lloyd (with matching OBB na may signature ni John Lloyd)
Introducing John Lloyd
John Lloyd’s Anatomy
The John Lloyd Code
John Lloyd On Spotlight (parang dancer lang ah!)
The Faces of John Lloyd (Minsan bida, minsan kontra-bida, pwede ring extra)

Pagkatapos, pinag-isip kami ng premise. Dapat nagsisimula sa “What if?” Ito ang example ko: What if...kami na ang mga nasa conference room ng ABS-CBN at magko-conceptualize ng teleserye? Naku, naging horror na nga ang kwento.

Sumunod, iisipan ng pangalan si John Lloyd sa drama. Ang akin: Salvador “Ador” Enriquez. Kargador.

Gumawa rin daw ng teaser. Ang naisip ko, lalabas ang title sabay fade up “O, Lumapit Ka...”

Sa huli, tinatanong pa rin namin ang prof: “Kailangan po ba talagang may John Lloyd sa pamagat?” (nagugulumihanang itsura) Naku, gusto rin daw niyang imbitahan si John Lloyd sa klase! Ayoko muna, baka mabasa niya ang nakasulat sa white board:

John Lloyd Cruz
Early 20’s
Medium built
POGI
Filipino features

Popular Posts