Why Am (YM)

bagz: ano ang kaisa-isang bagay o pagpapahalaga ang pinkaimportante sa iyo?
mj: respeto sa sarili
mj: nagra-radiate yan bagz eh.
bagz: ako pag unawa..
bagz: gusto kong makaintindi
bagz: bahagyang mahirap kc yun e
mj: madali lang yan. lalo na pag estudyante ka ng komunikasyon. malalaman mong empathy ang kailangan
bagz: paano mo lilinangin ang kaiba? mga bagay labas sa sarili mo? kaya nga nginigitian na lang o iniiyakan na lang ang mga bagay na di maintindihan
bagz: hehe
mj: di ako naniniwala. kung di mo maintindihan, tingin ko di ka mapapaiyak o mapapangiti. kasi para sa kin ang mga 'to ay indikasyon ng significant emotional involvement na posible lang kung nakasanib ang bahagi ng sarili mo, gaano man kaliit, sa mga bagay na sinasabi mo kanina
bagz: maaari...
bagz: maaari kayang makuha mo ng lubusan kung anong gusto ipahiwatig ng kaiba. o maaaring pahapyaw lang?
mj: hindi maaari ito...o hindee...hehe
mj: pahapyaw lang bagz. kasi isipin mo, yung saklaw ng karanasan natin, yun ang ginagamit natin para matantsa ang bagay-bagay.kaya never mo makukuha o mauunawaan ang ibang bagay nang buong-buo. ikaw nga mismo, di mo mabibigay ang sarili mo nang buong-buo di ba? at kahit kayanin mo, wala sigurong may kakayahang tumanggap sa kabuuan ng iaalay mo.teka, naliligaw na ko sa sariling paliwanag.
bagz: pahapyaw... bakit natin nakukuhang magalit sa taong hindi makintindi kung tanggap naman natin na hanggang pahapyaw lang pagkakaintindi?
mj: tandaan mong hindi lahat ng tao natatanggap ang katotohanang ito. kaya nagagalit pa rin sila. pati ako.

Popular Posts