Getting Even

Sa ganitong paraan bumabawi ang ilang sistema:
1. Kung lagi kang nagpupuyat, magugulat ka isang araw: Natulog ka ng alas onse ng gabi at magigising ng ika-10 ng umaga. Nang matapos mo ang ilang batch of readings, aantukin ka ng 5:30 ng hapon. Pagdilat mo, 9:30 na pala ng gabi. Sa hapunan, makaka-dalawang tinapang isda ka.
2. Sobra kang nagmahal. Kaya ngayon? Sobra kang galit.
3. Mabagal na kung gumana ang isip mo ngayon. Kapag nag-aaway kayo ng nanay mo, dadaan muna ang katahimikan bago mo maalala ang argumentong magpapatahimik sa kanya. Awkward naman kung babanat ka pa uli ngayong binibigay niya na sa ‘yo ang malamig na pagtrato. Kung boyfriend mo naman, maibaba na ang telepono saka mo maiisip na “Teka ang kapal ng mukha nun ah. Bakit ‘di ko nasabing... Naku Oo nga pala, barado siya dun kung sakali!” Awkward din kung da-dial ka pa uli para sa huling hirit, baka sabihin pa niya “Uuy...nag-isip muna.” Sabi ni Meline bumabagal daw ang utak kapag nasanay ka na puso lagi ang pinaiiral. May punto ka kaibigan!
4. Gagawa ang grupo n’yo ng Powerpoint presentation. Kung ikaw ang lider, mag-utos ka: “By 10pm dapat nasend n’yo na yung bullets sa e-mail ha. Kung hindi ako magsi-send ng bala sa inyo.”
5.Don’t judge a woman by her eyebrows. May kilala akong Broad Comm student na mukhang raccoon sa kapal ng kilay at tamlay ng make-up. Pero ‘di mo na siya maaasar ngayon dahil nag-ahit na siya sa payo ng propesor sa TV production class. At least, ‘di “super ahit.” ‘Di na rin siya mukhang anemic, small, nocturnal mammal.

Popular Posts