Lagari
Nung bata pa 'ko, tinatago ko sa matatanda ‘pag nasasaktan ako, nadadapa, at nadudumihan. (Sabi ni Meline: “Kaya pala hanggang ngayon...”) Halimbawa na lang nung takbo ako nang takbo sa likod-bahay at nabangga ko ang ihawang puno ng uling na naulanan. E di nangutim ang damit ko. Takbo lang ako sa kuwarto para magpalit, at lumabas akong nakangiti. Dati rin, malikot ako sa hardware. Nahulog ‘yung lagari na nakabalot naman ng karton pero nahiwa pa rin ng nakalabas na bahagi ang braso ko. Tinago ko na lang sa likuran ng bestida ko. Alam mo ‘yun... ‘yung tipo ng bestidang suot ng mga batang babae ‘pag linggo.
Gusto mo bang sumaya? Tawagan mo ako sa cel. Ang maririnig mong ringback alert ay dulot ng pagti-text ng FRBOOM sa 2332 sa pag-aakalang makakakuha ako ng free 100 peso load. ‘Yung kaibigan ko kasing nabiktima, naghiganti sa iba. Nakatanggap pa ako ng shame threat: “Your ringback Boom Tarat Tarat will be activated within 24 hours. This is free for 3 days!” Eew...3 days akong kakabahan kung may tatawag ba sa akin?! ‘Di ko pa maalis. Huhuhu... Samahan ko na rin kaya ng Sexbomb ringtone o kaya ng “Itaktak Mo”?
Kapag nalulungkot, narito ang ilan sa puwedeng isipin:
1. ‘Yung kunwaring nakaupo sa jeep kapag punuan na. Sasabihin ng dakilang pasaherong ito: “Kunwari nagbayad ako manong!”
2. ‘Yung iba naman kung makaupo, feeling maluwag. Kulang na lang sabihin mong “Manong, hita ko na ‘yang inuupuan mo.”
3. Wala ka namang kasamang kaibigan pero may sumasandal sa balikat mo. Di ka tuloy makapara.
4. ‘Yung katabi mong nakakapit ang dalawang kamay sa railing, masarap gawan ng pelikula. Dissolve to: Lalakeng humihimas ng rehas.
5. May nangungulit sa ‘kin kung bakit daw maitim ang libag. Ano ba raw ang libag? Dead skin cells ito, paliwanag ko. At maitim lang kapag nasa mga sulok ng katawan. Pansinin mo ‘yung sa gilid ng ankle, ‘di ba ‘di naman siya maitim? Naliwanagan ang kausap ko. Disclaimer: Naalala lang namin ang libag moments nung mga bata pa kami at naglalaro lagi. Siyempre ngayong kolehiyo wala na kami nito. Hehe...