BF=Vitamins
Sa totoo lang, napagtripan ko lang magpacheck-up. Nag-enjoy naman ako sa paglilibot sa ospital sa kabila ng katotohanang mahal ang pag-aaral ng medisina kaya madikit ka lang kay doc, 500 na. Bahala na si Batman.
At baket walang operator sa elevator? Nasa 9th floor pa naman ang ob gyne ko. Ahh…umihi lang pala siya. Suhestiyon lang manong, sana may arinola na sa elevator para pipindutin mo na lang ang close button. Voila! Instant CR.
Pinaka-mapanganib pala’ng pseudo-listening ‘pag doctor ang kausap mo. Nakamamatay. Halimbawa na lang, nireresetahan ka niya nang hiwalay: Mefenamic para sa dysmenorrhea at vitamins gabi-gabi para iwas-PMS, baka ang rumehistro sa alaala mo: Gawing vitamins ang mefenamic.
Napag-uusapan na rin lang ang bitamina, hayaan mong sabihin ko na ang boyfriend ay parang bitamina. Palalakasin ka niyan. Para ka nang superstructure! (Baka nagbabasa si Direk, magagalit sa ‘kin ‘yun.) Naaalala ko noon, ilang taon din akong nasanay sa vitamins mula sa Nutroplex, Ceelin, hanggang sa Clusivol, Cherifer at sa pinaka-malaking bara sa lalamunan: Centrum. Complete daw kasi. Pero lumaon may mabuting kaibigang nagpayo na masama ring nakaasa ang sistema ko sa mga vitamins na nabanggit. Kaya sa kabila ng ilang taon nang habit, sinikap kong tigilan na ang pagkuha ng kapsula tuwing umaga. Noong una madali pa ‘kong magkasakit. Pero hindi na ngayon.
Isang ligaw na kaisipan: Gaya ng pagkabigo sa pag-ibig, pwede mong resetahan ang sarili pero di tiyak kung gagaling ka. Merong sakit na kahit anong panggagamot mo, bumabalik.
Pagkatapos ng konsultasyon sa ospital, lipad naman ako tungong Broadcast dept para kumonsulta sa prof para sa mini-thesis. Ayoko nang magpaliwanag, basta, malaki ang pagkakaiba ng dalawang konsultasyon.