Beautiful Monday


Ano nga ba ang maganda? Ako lang.

Iba na talaga ang kumakapal ang mukha. Tigilan na ang kalokohang ito at hayaan mong dalhin kita sa jeep kung saan mistulang nakikipag-ulayaw sa akin ang radyo. Ganito kasi ‘yun, may umupong mama sa tabi ko. Naka-fatigue shorts. Nginuso ko sa kaibigang nakasakay sa jeep sabay sabing “May pinapahiwatig (tumutukoy sa fatigue)!” Tamang-tamang narinig namin sa FM: “Ano ba ang nais ipahiwatig ng mga kulay sa ‘ting kapaligiran?” Tumawa kami at maya-maya pa, “Yang katabi mo, akala mo pogi. Mukha palang kabayo sa liwanag!” Sinulyapan ko ang mama. Tumawa uli kami ng kakilala. Ang sama.

Comm100. Asaran ang paksa:
Ø Tinatanong kaming maliliit sa klase, pa’no namin nalalampasan ang mga pangungutya dahil sa shortcoming na ‘to. Mukhang appropriate: SHORTcoming.
Ø Nag-drawing si sir ng taong uminom ng Cherifer. Mukhang manok na tinanggalan ng balahibo.
Ø Kadalasang ganti ‘pag inaasar ng “liit!”: “Salbahe!”
Ø GMA jokes:
- Bakit ‘di siya pwedeng magsayaw ng Hawaiian? Kasi pag nag-grass skirt siya, magmumukhang sipa!
- Bakit hindi siya makapag-perform nang mabuti as president? Nung unang pasok daw kasi sa Malacañang, nauntog sa doorknob.
Ø Pagkatapos ng maliliit, maiitim naman. Sila ‘yung ‘pag pinapatay ang ilaw sa AVR noong hayskul, “Nasan si ______?” At pag nabangga, “Ay, may tao pala!” Tinagurian ding “glow-in-the-day.”
Ø Yung may body odor. Nang mag-deodorant, na-reduce to 1 feet ang alingasaw area. Ang mahalaga, mayron pa rin!
Ø Yung classmate ko, may prof daw na MASAMA. Tuwing may reporting o recitation, binabara sila. Ginagawa nilang magka-kaklase, binabara rin nila pag nagle-lesson na siya. Barahan to death.
Ø Lesson from another classmate: “Mas masarap mag-shine ‘pag galing ka sa darkness.”
Ø May nagkwento tungkol sa plastic na high school teacher nila. Bading daw yun at masyadong tinutukan ang advisory class niya para sa cheering competition. Nakakaasar daw talaga dahil sinasabi pa sa ibang klase na “O, baka nga matalo nyo pa kami e.” Sa inis ng nagkukwento, nasabi niya na lang: “Masyado siyang…(inipit na tinig)…masyado siyang bading!” How cute.
***
Sa December, tuloy na ang pagba-bridesmaid ko. Favorite ko pa yung motif: pastel colors of yellow and green. May nagtanong kung anong tawag sa partners namin. Di ba bridesmen? Yun yung mga lalake ng bride bago siya ikasal, tama? Ano nga ba? Sana wag naman tuod ang maipareha sa kin. May friend kasi akong nakaranas ng ganung tipo eh. Gusto ‘kong i-enjoy ang gabi ng kasal noh.
***
Buhay Ng Sekyu
Lilingon ako at mapapaisip…kung paano ako nabuhay at paano akong ginamit ng mga tao. Gaya ng mge estudyanteng ito ng UP Diliman. Padaan-daan. Hindi ako papansinin, o magsasabi ng “Excuse me ate, may nakita po ba kayong wallet dito kahapon?” Ang iba, ang kakapal. Mag-iiwan pa ng mga bagahe sa ilalim ng desk ko. Pasisikipin pang lalo ang espasyong aking ginagalawan. Mainit na batuta lang ang hawak ko. Hahawakan ko ito nang mahigpit, pakikintabin. Radyo lang ang karamay sa magdamag.

Ngayon, isa na ‘kong multo sa gusali ng BA. Humanda kayo.
***
Sa mga suicidal, suggestion ko lang: Itaya na lang ang buhay para gumawa ng mabuti. Mang-holdap kaya ng bangko, at i-distribute sa mahihirap. Wag nga lang papatay, hayaang barilin kayo ng pulis tutal gusto nyo na rin namang mamatay.
***
Definition ng semi-formal attire (post-modern sense?) :
Barong with necktie paired with shorts.

Popular Posts