Bubble Gang at Ang Kampanera


Para sa mga hindi nakapanood, ito ang ilan sa mga patawang naibigan ko kahapon sa Bubble Gang:
Ø Lalake: Di na matutuloy ang kasal natin.
Babae: Ha? Bakit?
Lalake: Kasi ayaw ng tatay ko sa ‘yo. Simula raw nung makilala kita naging milyunaryo ako.
Babae: Eh anong masama dun? Ayaw mo ba na naging milyunaryo ka?
Lalake: Pero dati akong bilyunaryo…
Ø Lalake: Hindi na tuloy ang kasal natin.
Myka: Dahil ba ayaw ng magulang mo sa ‘kin?
Lalake: Hindi. Kasi, ayaw ng mga magulang MO sa ‘yo! Sila na mismo o…
Ø Diego: Wag na natin ituloy ang kasal. Pera ko lang daw kasi ang habol mo eh.
Diana: Hindi totoo yan!
Diego: Sige nga kung mahal mo talaga ko, kiss mo ko tsaka hug. Tapos sabihin mo sa lahat na love mo ‘ko.
Diana: Sige na nga, wag na natin ituloy ang kasal.
Ø Ogie: Wag lang natin ituloy ang kasal.
Maureen: Anong problema? Gusto ka naman ng tatay ko ah!
Ogie: Kasi…gusto ko rin ang tatay mo eh!
Ø Babae: Hindi na matutuloy ang kasal.
Lalake: Pero bakit?
Babae: Nag-away kasi kami ng tatay ko e.
Lalake: Bakit ba kayo nag-away ng Itay mo?
Babae: Kasi ayaw niya pumayag na ‘di matutuloy ang kasal!
Ø Michael V: Di na tuloy ang kasal.
Babae: Bakit naman?
Michael V: Di ba may pamahiin na pag sinukat mo yung wedding gown, di matutuloy ang kasal? Naniniwala ako dun kaya ‘di matutuloy ang kasal!
Ø A: Wag na lang natin ituloy ang kasal…kasi ‘di ako pwedeng magkaanak.
B: Bakit, may sakit ka ba?
A: Hindi…kasi lalake ako eh!
***
Nakakatakot ang buhay,
Di naten alam kng kelan tyo m3tay,
Di rin nten alm
Kng lht b ng kaibigan e maaasahan.
Pro ang higit kong knktkutan e
Pag nag-backless si Imang.

Galing ‘to kay Ryan. Paliwanag nya, nakakadiri yung bukol nun, may kanto. Parang “may folder o something” sa likod. Nanggigil ako nang sabihin niyang mas maganda ako kay Anne Curtis, pero yung kubang bersyon.

Popular Posts