Never Mind


Isda 1: Alam mo ba, iniisip ng mga tao na tayong mga isda e walang memory? Ilang segundo lang daw, nakakalimutan na natin ang mga ginawa natin pati yung iba pang nangyayari sa paligid!
Isda 2: Talaga, iniisip nila yon? Ang yayabang pala ng mga taong yan!

Isda 1: Chaka alam mo ba na iniisip ng mga tao na tayong mga isda e walang memory? Ilang segundo lang daw, nakakalimutan na natin ang mga ginawa natin pati yung iba pang nangyayari sa paligid!
Isda 2: Talaga, iniisip nila yon? Ang yayabang pala ng mga taong yan!
***
Bakit tinawag na MMDA ART yung mga pinintang ‘yun sa dingding?
***
Nag-iisip ang ilang UJPeeps ng ipapangalan sa isang sabon. Pagkasabi ng “Sutla,” naisip ko agad, Putla…sabong pampaputi.
***
Habang naglalakad kami ng lalakeng kaibigan, napansin naming maraming foreigner sa Peyups nang hapong iyon. Tanong niya sa ‘kin, “There are lots of foreigners, huh? Is this a foreign country?”
***
Nag-iisip ng batch name ang UJP apps ngayon. Natutuwa talaga ko sa “Son of a BATCH.”
***
Ito ang pinaka-malala sa mga naiisip ko ngayon: NAGMUMULTO ATA ANG IPIS NA PINATAY KO. First time ko kasi pumatay ng ipis nun. Tapos kagabi, may isang pumasok sa kwarto. Mabagal ang lakad kaya kinuha ko ang tsinelas at pinalo ko. Sa isip ko, “Aba, kaya ko na talagang pumaslang ng ipis kasi pangalawa na ‘to.” Tinulak ko siya hanggang lumampas sa pinto. Nakabaliktad na, kaya kampante ako dahil alam nating lahat na tanga ang mga ipis na ‘yan: ‘Di makabangon mula sa pagkakamali. E di nagbasa na uli ako. Nang silipin ko uli, wala na! Pa’no siya makakaalis dun? Dapat di pa nakakalayo yun ah! Naku…multo ata. Payo ni Inay pag nakita ko uli, buhusan ng holy water.

Popular Posts