Mga Kagila-Gilalas na Kapalpakan sa Events

1. Kung kailan nanonood, saka magsusukat ng projection. At imbes na lights off, lalong lumiliwanag dahil mali ang mga switches na pinipindot.
2. "Chance for photo op." Opportunity na nga, chance pa!
3. Nawalang music habang may tumatanggap ng plake.
4. AVP na may mahabang mensahe, pero umattend din pala at pwedeng live na magsalita yung tao.
5. Manila paper ng lyrics na lumalakad kasabay ng singer. Ay, nabangga. Napunit tuloy!
6. Inspirational message na 'di nakaka-inspire. Marami nang naghihikab.
7. Closing remarks na parang dapat ay inassign sa opening.
8. Kinulang sa inensayong kanta kaya umuulit na ang live singers.
9. Mic test habang may nagsasalita. Paulit-ulit pa! Mas malala: Nag-fade up pa ng music.
10. Malaking board na natumba habang may press interview. 

Popular Posts