Undas 2011

Marami nang nangyari buhat nang dalawin namin ang mga yumaong mahal sa buhay sa Eternal Gardens at Himlayang Pilipino. Pero 'di ko pa rin malimutan ang sumusunod:

Ang pagkain ni tatay ng puto, pagsama ng pustiso, na siya namang nagbunsod ng bago kong tongue twister para sa mga magulang: "Puto pustiso, puto pustiso, puto pustiso..."

Sa 'di kalayuan, natanaw ko ang bakod ng libingan na ginawang Chinese garter! Nilulundagan ng batang babae. Nainip siguro.

At nang mapagpasyahan na naming lisanin ang sementeryo, mabagal ang andar ng mga sasakyan. Pagbukas namin ng stereo, Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan ang tugtog! Parang may ililibing lang, kaya dali-daling pinatay ang sounds. Hehe

Popular Posts