F-L-A-M-E-S at Ginataang Isda


Pwedeng Talakitok. Tilapia. Galunggong. Asuhos.
1. Ilagay ang dalawang kutsarang mantika sa kawali. (Kung gusto mo, sa kawa pwede rin.)
2. Ihulog ang mga hiwa ng luya worth 2 pesos. Isang gamitan lang 'to. Kahit anong size ng hiwa mo ok lang. Hintaying maging brown.
3. Ihulog ang bawang. Magiging brown din mamaya.
4. Ihulog ang sibuyas. Magiging transparent.
Me: Akala ko ba mamaya pa 'yung sibuyas? Bakit may isa na sa kawali?
Ma: E nahulog eh!
5. Pish
6. Ibuhos ang nakahandang gata.

Hangga't maaari, iniiwasan ni mamang paglutuin ako. Baka raw matalsikan ng mantika ang kutis kong porselana. Naka naman! I'm the man! Pero nang subukan ko namang mag-notes na lang habang nagluluto siya para isulong ang pagkatuto at kitchen literacy, tumalsik pa rin ang pesteng Baguio oil. Lalo tuloy niya 'kong palalayuin sa kalan.

Sa isang tabi, nag-FLAMES na lang ako. Friendship. Love. Anger. Marriage. Engaged. Sweetheart. Kung ilang letra sa pangalan mo ang may kapareho sa pangalan ng taong gusto mo, magkakaroon ng katumbas na letra sa F, L, A, M, E, o S. 'Yon ang magsasaad ng damdamin niya sa 'yo. Kung ilan namang letra ng pangalan niya ang may kapareho sa 'yo, siyang magiging batayan ng nararamdaman mo sa kanya. Ang masaklap, kahit sinong itambal kong guy sa sarili ko, ANGER ang lumalabas. Mutual pa! Ano 'ko, galit sa lalake?

Sa pagkainis sa lalake, este sa FLAMES, tinulungan ko na lang si itay sa pagkukumpuni ng CPU. Ako ang unang nagbukas ng casing.
tay: Alam mo ba 'yan? Mababalik mo ba?
ako: Ako pa itay... (pabulong) na walang karanasan dito...

Pero naku exciting. Malapit na ata akong mag-driving lesson. Nga lang, unang aaralin ang incline/recline/backward/forward ng driver's seat. Susunod daw, pagpapalit ng seat cover. Finally, car wash. Kung sa A1 naman ako mag-aaral, kulang sa pambayad. Sabi ko baka pwedeng ibenta muna ang sasakyan para makapag-enroll ako sa driving school. Kahit ano kasi para sa 'kin, ok lang BASTA MAY MATUTUNAN. Parang sa pagbili ng adobong balot sa food court.

Habang 'yung iba driving without license, si mama naman license without driving. Ilang taon na siyang nagre-renew pero dahil sa nerbiyos, ni hindi pa 'ko napapag-drive papuntang campus.

Popular Posts