Mukhang Hi-Tech


Rapish, here it is!

By the way, Rapish is a good friend of mine. Bago ko simulan ang diskusyon, ipaaalala ko muna kung ano ang KAPORMS, isang bagay na nauso dati. Ito ay... KAdenang ipinapangPORMA.

Ok, go na! Thesis statement: Mas maraming gadyet, mas mukhang hi-tech. Ang mga sumusunod ay tips kung pa'no magpanggap na techy:

1. Webcam. Dagdagan ng digicam na naka-USB. Baka pagalitan ka lang ng nanay mo na nag-aaksaya ng kuryente (ilaw ng webcam). Akalain mo...kuryente?!
2. Headset. Isabit kahit 'di gumagana.
3. LCD monitor / semi-flat screen. Tapalan mo ng masking tape at sulatan ng LG, Samsung, o Panasonic. Wag Sany at Pensonic.
4. Speakers. Ikabit ang woofer sa karaoke.
5. Play a powerpoint presentation with a background music coming from a cassette.
6. I-display ang kahon ng motherboard.
7. Paganahin lahat, pati Canon printer. Padaanin ang Kodak photopaper.
8. Bring out your Artech recorder bought for P300. Itago ang box na may pic ni Diether.
9. Hide those diskettes. Ilabas ang flash drive.

Kung techy ang makakakita, baka mabisto ka. Pero kung mapagpanggap din, he'll give you the benefit of the doubt. Parang ano 'yan eh...'yung sa mga nagdududang maganda ka. ;-)

Me: Maganda ba 'ko?
Rusell: 'Di ba matagal ko nang sinagot 'yan?
Me: E nagbabago naman ang tao ah!

Popular Posts