First Day Of Class / BF
Malimit kong marinig ang phrase na "Yung mga nakapagbayad lang..." Halimbawa, sila lang ang pwedeng mag-fill up ng class list. Sila lang ang mabibigyan ng class card. Kaya pagpasok sa library naming pinipinturahan, naisip kong 'yung mga nakapagbayad lang ng tuition ang maaaring lumabas. Tignan mo nga naman, kung kailan unang araw ng klase saka sumasailalim sa major makeover ang gusali. Suminghot ka muna ng pintura bago mananghalian. Naawa na lang ako kay Manong Xerox na nakapirmi sa tabi ng karpintero.
At siyempre, sabik kami ng mga kamag-aral na kumuha ng class cards. Pero nainis sa amin ang nakatoka sa bintana. Kung kailan siya abala, saka kami dudungaw at manghihingi ng grades. "Balikan n'yo na lang!" Maganda sanang isagot na "Sige po balikan na lang namin. Pupunta po muna kami sa grievance desk." O kaya, "Gusto mong balikan kita?" Hehe... pero 'wag na at kita namang ngarag na ang empleyado.
Sa first day of class, 'di maiiwasan ang mga nagtatanong kung ok na ba talaga ko matapos ng breakup. "Kahit maluwag sa loob, nakaka-dry pa rin ng buhok," paliwanag ko. Pero seryoso... wala akong maramdaman. Masaya ako. Dahil...
me: May BF o wala, matataas naman grades ko ah!
ma: Kahit naman may BF ka, parang wala eh!
amiga: Nung nagbreak kami, walang nagbago. Nagtitext pa rin kami.
me: Nung magbreak kami, walang nagbago. Wala pa ring text. Hehe
me: May nabasa 'ko sa text, ano raw ang mas mahirap: Paalisin ang taong nakakapit lang sa 'yo, o kumapit sa taong hindi mananatili?
rusell: Mahirap? Kumapit sa taong mukhang patalim.