Collectibles

Iniisip pa rin namin ni Meline kung sinong pinagmulan ng mga ganitong texts:
1. Pagkatapos sabihing mahal ako, tinapak-tapakan lang niya 'ko! -Havaianas
2. Kung talagang mahal mo ako, yakapin mo nga ako. -Cactus
3. -pipi
4. Ako na lang lagi ang ginagamit mo 'pag wala ka nang masabi. Mukha lang akong nakatawa pero ang totoo pagod na 'ko sa kakangiti. -Ü
5. Hindi lahat ng macho, bigotilyo. -Vina Morales
6. Hindi lahat ng malaki ang tiyan, buntis. -tomador

Kategoryang Sekswal (na sa una'y 'di ko kinakaya pero nakasanayan sa paulit-ulit na pag-receive):
1. Araw-araw itlog...nakakasawa na! -brip
2. Hindi lahat ng dugo, pwedeng i-donate. -regla
3. Kagatin mo na 'ko habang matigas pa. -ice candy
4. Sige, bigyan mo pa 'ko ng init para pumutok ako. Ayan na...puputok na.-popcorn
5. Pa'no tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa 'yo? -Lego
6. Kailangan mo lang ako 'pag nag-iinit ang katawan mo. -thermometer

Sariling likha:
Hindi lahat ng party, nakapagpapasaya. -Third party

Popular Posts