Food and Mouth Dishes (FMD)

Ito ang kainang gusto naming i-establish ng daddy ko. Pangalang pangalan pa lang, pang-exquisite dining na. At ang specialty? Flavorful nguso ng baboy. Meron pang tugtog mula sa mga bandang "Ultrasound" at "And more!"

Nasa beach ako ng Naic Cavite noong Sabado kasama ng UP-RCY. Biyernes nang mapabalitang nagkaroon ng false alarm at nag-panic ang Naic residents dahil sa isang tsunami alert. Pero 'di naman tsinunami (borrowing from Rusell, pwede ring tsutsunamihin at tsinutsunami) ang lugar at imposible itong mangyari sa ngayon.

Nag-stargazing kami at may nagtanong kung may international law na ba sa pagmamay-ari ng mga bituin. "Siguro 'pag narating mo, iyo na," sagot ng isa. Sa pagkakataong iyon, unang beses akong nakahiling sa pagkislap ng falling star. ;-)

Bigo ang kalalakihang lumikha ng bonfire na tatagal. Kaya sinaway na lang namin sila sa pagsisiga. Hehe...isang small time na siga.

Meron akong narinig, isang walastik na banat ng nobyo matapos mabalaan ang grupong tipunin at pabantayan ang valuables bago lumusong sa dagat: "May iba pa bang valuable na pwedeng mawala sa 'kin kung kasama naman kita?" KiLiG tO tHe BoNeS! Pero nasira ang romantikong tagpo nang maalala ko ang sinabi ng batchmate namin sa kaibigan kong babae: (Out of nowhere) "Uy, alam mo ba naka-trunks ako..." At umangal siya kinagabihan na sumingit ang buhangin doon.
At pauwi, naisip kong 'di pa rin ako nagbabago: Mas enjoy pa rin sa biyahe kaysa sa destinasyon.

Popular Posts