Pagbalikwas
Konting hinga bago magpatuloy sa iba pang gawaing pampaaralan. Katatapos lang ng 15-min newscast production namin kahapon at gaya ng sinabi ko sa prof, pinakamahirap gawin ang magpigil ng tawa kapag nabulol ang katabi mong newscaster na lalaki. Sasabayan pa ng hagikgik niya at ng co-newscaster na babae sa kabilang dulo. Ang problema, nakatutok na sa 'yo ang kamera. Tungkol sa Sigue-Sigue Sputnik pa ang susunod mong report.
News Watch ang pamagat ng programa. Para sa closing spiel, babanat kami ng "Be aware. Watch. News Watch." Hindi natuloy ang panukala kong maglagay ng action para dito at magkakaroon ng box sa gilid para sa mga piping manonood. Sayang. Pero sabi nga ng mga magulang na mahilig sumaway sa anak, "Wag mong ipilit ang gusto mo." Kaa-apply ko lang ng prinsipyong ito sa isang mabigat na pagpapasya.
Alam din naming baka kulangin kami sa news items para sa labinlimang minuto. Sa rehearsal, nag-ad lib si male newscaster ng weather report. Luzon will experience scattered rainshowers. Visayas will experience partly cloudly to at times cloudy skies with isolated thunderstorms. (Sesenyas ang Floor director na 15 seconds left) Mindanao will no longer have an experience.
At tulad ng dati, umiikot ang trabaho. Nung magkamera naman ako, di ko rin mapigilang tumawa dahil "Don't Forget About Us" ang napatugtog ng spinner para sa OBB ng balita. Ang kwento ng in-charge sa music, 'di niya namalayang ibang kanta na ang nakasalang at habang nakakulong siya sa booth, nakita niya sa may salamin na nakatingin ang lahat ng crew sa kanya. At ang prof nagtatanong na... "Sigurado kayong 'yan ang tugtog?!"
Pag-uwi, nakakita 'ko ng Buy and Sell sa sala. May 3"x5" inches na larawan ng model, walang kaugnayan sa kahit anong laman ng dyaryo. Aba teka...on second thought, model sa BUY and Sell?! Mahirap ang endeavor na ito. Gets mo naman di ba?
Ang maibabahagi ko lang, "Katawan lang ang habol mo sa 'kin...-hipon"