GK


Isang depinisyon mula kay Macel: alcoholic - taong laging naglalagay ng isopropyl sa balat.

Bago lisanin ang Palma Hall kung saan nagtipon ang lahat para sa Mega Build, may nagsabing tutugtog ang isang banda para dagdagan ang saya ng aming pagtatrabaho (mardyoret? musiko?). Pagtingin ng isang kaibigan, nabasa niya agad ang mukha ko... "Um MJ, ibang banda na naman iniisip mo!" Nalingat lang ako sandali at maya-maya'y nakaalalay na ang GF niya. Aktong lilipad si BF. Bahala ka na umunawa sa nakita ko. Kahit ako nalalabuan.

Da bes ang GK cement. Ang sayang sumali sa Human Chain. Matatawa kayo ng katabi habang nahahalatang pabigat nang pabigat ang ipinapasang sako na panghakot ng buhangin. Warm up pa lang babeh. Let's get it on! Pero buhangin lang ba? Hindi. Nag-iiba 'yan pare ko! Multi-tasking ang pangalan ng laro dahil magpapasa ng hollow blocks, graba... at baka nga tao ipasa! Mas gusto ko ata 'yon ah! I-apply ang prinsipyo ng tamang pagbubuhat courtesy of Red Cross Youth.

Agarang epekto ng Mega Build sa akin: 'Yung pinto ng CMC library na 'di ko ma-push dati sa bigat,sisiw na ngayon. Nakakadagdag din ng puwersa kapag tititigan mo muna ang isang bagay, pagsasalubungin ang kilay, saka mo itutulak.

Popular Posts