Andrade-Conti Clichés

Ang hirap sa ‘yo puro sarili mo’ng iniisip mo!
Ang hirap sa ‘yo lagi kang naka-depende sa ‘kin.

Ang hirap sa ‘yo, ‘di ka marunong magligpit ng sarili mong kalat.
Kung ililigpit ko lahat ng kalat, wala ka na dapat sa buhay ko. (*Recommended!)

Ang hirap sa ‘yo, pinahihiram ka na nga, ipinamimigay mo pa! (Ballpen, kapag hiniram mo sa pag-fill up ng attendance at ipinasa sa susunod.)

Patulog na kami ni dad noon. Nagtagal pa ‘ko sa ibaba dahil hinihintay ko siya. Aba mamaya natanaw ko siya na nasa mataas na baitang na ng hagdan. Madrama kong isinigaw ang: Itay! Ako ang naghintay, ako ang naiwan! Ang bilis ng pangyayari ah.

Sabi sa radyo, “Love is beyond the body.” Sabi ni Daddy, “It also involves money?” Ano ba ‘yan! Puro makamundo.

Huwag kalimutan ang mga minemorize noong elementary tulad ng simple machines: pulley, lever, inclined plane, screw, wedge, wheel and axle. Baka tanungin ka sa job interview: What machines can you operate? Pati types of clouds Cirrus, Nimbus, Cumulus, Stratus, and combinations thereof. Eh ang clay, sand, at loam, naaalala mo pa ba? Mamaya lang sisilipin ko ang ethnic instruments na pinakopya ng music teachers. Dapat may tama pang shading. Pati types of rocks. Lagot ka pa sa corps commander mo noong high school ‘pag ‘di mo naisaulo ang army dozen:
Ø Stork Walk
Ø Buffer
Ø Side Bender
Ø Turn and Bounce
Ø Back Bender
Ø Squat Bender
Ø Mountain Climbing
Ø Buttocks
Ø 4-count push-up
Ø 8-count push-up
Ø Squat Thrust
Ø Jumping Jacks

Kung ‘di mo magawa ang mga ito, baka utusan ka na lang na magtanim at umani ng toge.

Popular Posts