In The Name of My 21st Bday



Nagsimba muna kami sa Antipolo at nagtungo sa kabilang dako ng mundo - sa San Mateo. Pinairal ko na naman ang matalas kong memorya. Tuwing aalon sa pool ng 9 Waves, pinatutugtog muna ang jingle which goes:

“Gusto mo bang mag-relax?
Bumyahe, mamasyal, at gumimik.
Isama ang barkada o pamilya
Sa San Mateo, Rizal pumunta.
Sa Ciudad Christia, Ciudad Christia,
Malapit na, mura pa’t
Tiyak mag-eenjoy!
Sa 9 Waves, sa 9 Waves,
Doble-doble ang saya.”

Obvious ba? Nagbabad talaga kami ng pamilya dun kaya naman ang ‘di pinapansing kanta ay tumatak na sa ‘king alaala. Gayundin si Roman. Habang lumalangoy kasi, trip ng DJ ang pirated cds na tumatalon at remixes na may mga sumisingit na “Romance” at “What is love?” sa mga senti songs. Mag-eemote ka na sana habang nasa tubig at dumarampi ang banayad na hangin sa balat mong exposed pero matatawa ka tuwing sisingit ang romantic cum seductive lines.

May karatulang nagsasaad na “No swimming after eating.” Marahil ito ay dahil tinuruan tayong mag-toothbrush at ‘di magmumog lang after meals. In case ganito ka, sisigaw lang naman ako ng “Oy oy oy! Psst. Guard...”

Isang mahalagang aral sa swimming namin from 6pm to 12mn: Kapit sa patalim ang taong kumakapit sa trunks ng iba kapag nalulunod.

Popular Posts