Video Clips

Nagkaroon ng flash report nung Linggo: May bumagsak na kisame sa 2nd floor ng Trinoma. Nagsorry ang mngt. Parang kailan lang nang bumaha sa Mercury doon kaya natigil ang kanilang negosyo. Sabi nila Plunge into a different malling experience this May pero sa tingin ko, hindi muna ito dapat binuksan o ‘di naman kaya’y ginawang Tri-mona o Try No More ang pangalan.

Kasama ng report ay isang video kung saan makikita ang magandang facade ng mall. Ni hindi nakita ang guho. Maihahalintulad ito sa isang APEC news kung saan logo lang ang nasa screen. Parang report din sa pagbisita ni PGMA sa ibang bansa at may video clip niya habang bumababa ng escalator o sumasakay ng eroplano.

Pagkatapos ng radio internship ko noong tag-init, agad na ‘kong sasabak sa TV internship ngayong 1st sem. Nakakatawa ang pagka-comprehensive ng data sheet namin. Isang tanong halimbawa: Have you ever been formally charged? Mahaba ang questionnaire. Parang nag-aapply ng scholarship. Napaisip tuloy ako kung may trabaho bang ‘di humihingi ng NBI clearance. Kawawa naman kasi ang mga ex-con. Pero basta naman ata na-serve mo na ang sentensiya, cleared ka na. Wala ka lang takas sa interbyu ‘pag tinanong ka na ng: 20 years kang idle?

Ngayong intern na ‘ko uli, iniimagine ko kung pwede bang mag-apply na PA sa SOCO. Siguro ikaw ang pagkakabitin nila ng yellow tape na may “Police line: Do not cross.” ‘Wag mo ‘kong tanungin kung ano ba talaga ang PA dahil napaka-vague talaga niyan.

Popular Posts