Ang Maging Bata


Ating sulyapan ang pagtrato sa mga sanggol. Simulan sa pagsasabing Crying is political. Patigasan. Magpapadala ka ba sa pagmamaktol ng anak mo? Ang mga bata nga naman o, nagsisimula agad sa kanilang compliance-gaining plan by determining the amount of pag-aalboroto to make their parents do what they want. Palakihin nang palakihin ang sitwasyong ito at kung sobrang lala na, 'yan ang gobyernong mayroon tayo.

Pero gaya ng nasabi ko, mga bata ang ating pagtutuunan ng pansin ngayon. Narito ang mga maiikli ngunit kawili-wiling tips sa pag-aalaga sa kanila:

Ø Pag iyak nang iyak ang bata at inutusan ka ng nanay mong palitan ng diapers si junjun, itapal mo sa mukha. Ayan, tahimik na si baby! Wahaha…
Ø Kailangang takutin ang toddler? Maglagay ng Chinese powder sa mukha. Makapal na makapal at maghabulan sa bahay hanggang dumating ang mga magulang. Mas maganda kung lalagyan mo rin ang bata para ala The Grudge. Yikes!
Ø Ang mister na militar ang pag-alagain ng anak. Masdan habang nawawalan siya ng pasensya sa pag-iyak ng munting nilalang hanggang sa puntong nagkakasa na ito ng baril. Kung ang taktika ng mga papaluing bata ay ang paglalagay ng book sa pwet, sa anak niyo naman ay ang pagsusuot ng bullet proof vest.
Ø Sabihin: “Hindi ka ba tatahimik? Lulutuin ko’ng nanay mo!” Si Greta, ‘yung kaklase ko, rewards ang sistema. “Pag nagpakabait ka, bibigyan kita ng elepante…”
Ø Yung mga malulupit na disciplinarian, nagbibigay ng options: Hanger, sinturon, o tsinelas? Pero mayron pa bang mas lulupit sa tatay mong karpintero na ang choices ay martilyo at lagare? Naku po!

Kaya hindi mo masisisi ang mga batang nagtutulog-tulugan tuwing tanghali.
***
May pagnanais tayong makita ang isang bahagi ng ating pagkatao sa mga bagay sa paligid. i.e. Nanlalata ako lagi. Gusto ko ng malatang kanin.
***
Nung weekend, nanood ako ng ETK. Live noon via phone patch yung nanay ni Angelika Jones na di-umano’y nagwala sa dressing room (may reputasyon na siya na laging sinusumpong). Nung sinabi ba naman niyang “Diyos na lang ang nakakaalam kung ano talagang nangyari dun”, nag-comment si Ogie Diaz: “E di kukunin ho natin ang panig ng Diyos dyan?” Hehehe.
***
Magdesisyon ka na. Maskulados, Viva Hot Men, o Barako Boys? Gusto kong malaman ang panig ng mga kalalakihan ukol dito.
***
Naiinis ka ba sa mga taong maglilinis ng tainga gamit ang kuko? Tapos habang kaharap ka ay pipitikin ang duming nakuha. Eew.
***
Di ba mahilig ako sa Videoke? Nasobrahan ako minsan, kaya nahuli ko na lang ang sariling nagsasabi ng: “Kakanta ‘ko hanggang gusto ko…hiik!” Na-realize ko pang kamukha ni friend Altair Alonso si David Pomeranz. Sana wag naman siyang mag-disagree kasi nasabi ko ring he looks like Mona Lisa.
***
Kung napansin mo, maaga akong nag-blog ngayon. Freaky kasi pag sa tuwing nakaharap ako sa computer sa hatinggabi e may background na mga alulong sa labas.
Alam mo ba, namatay na yung ibon ng kapitbahay namin. Maingay ‘yun dati e, tapos nagtaka na lang kami isang araw kung bakit tahimik sa garahe. Nanahimik na pala talaga ang "malanding ibon."

Popular Posts