Usapang Lalake


Iniisip ko pa rin kung bakit may nagsasabi ng “Pare, usapang lalake ‘to ha” at ng “Nakaka-lalake ka na ah!” Ano ba sa tingin nila ang usapang babae? ‘Di tumutupad sa napagkasunduan dahil pabagu-bago raw ang isip? At ‘pag naka-hurt ng ego, nakakalalake. Kung natalbugan ang beauty mo mare, nakakababae!

Ang mga sumusunod ay inspired ng Comm 100 class ko kanina. Tinalakay kasi ang intimacy: male-female, male-male, and female- female. Magkumpara tayo.
Ø May tumututol sa paniniwalang mahirap para sa mga lalake na magkaroon ng malalalim na samahan. Hindi lang siguro sila showy pero ika nga, may ibang nagsasabi ng “Pare, kung ano ang akin iyo rin (wag lang babae).”
Ø Pag lalake ang nagkwento ng problema sa kapwa lalake, pa-joke. Pero pag sasabihin nya sa babae, pa-drama.
Ø Gawin mong halimbawa ang dalawang lalakeng palaging magkasama sa kalokohan. Pag nagbago ang mood ng isa, itanong mo kay boy #2 kung bakit at ito lang ang masasabi niya: “Ewan ko dyan.”
Ø Male to male: Ipapakitang “I’m still in control.” O kaya, mag-aaya ng inuman. Proof that they can’t speak under normal conditions at makakapagbuhos lang ng hinanakit sa impluwensya ng alkohol. Kung female to female, breakdown iha!
Ø Mga lalake, palakihan ng muscle...palakihan din ba ng problema? Paramihan siguro ng tagay.

Wag mo masyadong dibdibin ‘to o isiping masyado akong istiryotipikal. Shinare ko lang ang mga alala ng klase ko. Dumako naman tayo sa mga katatwang motto sa yearbook ni kaibigang Jam. Walang panama ang “Birds of the same feather flock together” at “Don’t do unto others what you don’t want others to do unto you” sa mga ‘to:
Ø Isang bala ka lang.
Ø Papunta ka pa lang, pabalik na ako. (Ga-graduate nga naman.)
Ø Kahit butas ng karayom, papasukin ko.
Ø Beer is gold.
Ø Liquor is the best medicine.
Ø Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.

Naisip ko tuloy na kung may mga matatabang matigas ang ulo at ‘di nagpapasa ng write-up ont time, ilagay na lang ang mottong “Eat all you can!”

Popular Posts