Grievances
My buddy and I have been texting about boyfriends and university life. It went something like this:
Friend: Kailangan mo ba talaga si Ton para maging masaya? Kailangan ba talaga natin ng ibang tao para maging masaya?
Me: Sumasaya ‘ko pag nakikita ko siyang masaya. I love him and I want to be part of his happiness. But let's take responsibility for our own happiness.
F: Pano pag dumating yung panahon na hindi na siya masaya sayo? Ano na gagawin mo?
M: Problema nya rin yun! Basta ako, dito lang palagi, kailangan niya man o hindi.
It's our 33rd monthsary today.
***
F: Wala akong confidence magsalita in English. Pag kinakabahan ako, parang wala na kong masabi. Di ako bagay sa UP. Ba’t ba ‘ko nandito?
F: Sa tingin ko tama lang MJ na nasa UP ka, deserving ka kasi masipag ka. Creative
pa. Walang bola. Nakikita ko potensyal mo. Ako, hindi ko ‘lam kung san ako magaling. Hindi ko nga alam talento ko e. Naaawa ako sa sarili ko.
Naalala ko 'yung vandalism sa mga CR ng UP. Minsan nakalagay: “Ang bobo ko. Naiinis ako sa sarili ko.” I admit that UP at one point made me feel so low. But it helped a lot for me to reassess my potentials and present capability. Parang nagsasabing: May talento ka ba? Bagay ka ba rito? UP student ka pa naman tapos yan lang ang kaya mong gawin? Masakit ang maliitin. But often, this is what we need to push us further.
'Pag napagalitan ka ng prof mo sa last subject, feel na feel mo pa ang multo sa biyahe pauwi. Yung jeep kasi lilibot pa sa oval, dadaan ng shopping center, at eexit sa mahabang university ave. Sa mahabang panahong ito, kung anu-ano maiisip mo. Ang pangit ng pakiramdam. Hindi ka naman nagpabaya, sa’n ka ba nagkulang? Kung tratuhin ka, parang ang tamad tamad mong estudyante at walang pakialam sa pag-aaral.
M: You’re not alone. Kala mo di ko nararamdaman ang ganyan? Ano ka ba…nanliliit din ako pero unti-unti ko ring nalalampasan. Ikaw din, masipag at matalino ka ata! Matagal ko nang nakita sa yo yun.
Panandalian akong namangha sa pagtatangka kong mang-inspire ngayon, despite of feeling uninspired myself.
F: Isaw naman tayo one time… Haha, alam mo kanina nung pinapagalitan ako,
everybody was looking at me. Poor me. Pathetic di ba? Blockmates ko pa kasama ko. Hay. Sorry ha, ikaw pa nabubugahan ko ng insecurities. Gusto ko na nga lang magpalunod sa kakaibang lasa ng isaw…huhu.
Tama yan. Marahil ginawa talaga ang isaw para sa purpose na ‘to. Maanghang ang pagsasama niyo ng prof mo? Itodo mo na ang init sa vinegar sawsawan.