Gimikasyon
May friend akong nag-aayang gumimik.“O sige, pero anong gagawin ko dun? Baka iwan mo ‘ko at gagawa na lang ako ng interview kay bartender!” Kaya niya raw akong gustong isama ay dahil ayaw niyang ma-rape nang wala sa oras. Aba, may tamang oras para dun?! At dalhin ko pa raw ang aking lalaking friend na guy. Babaeng friend na guy, meron ako.
Pero kung naghahanap ka ng mainit na gimik, abangan mo na lang ang Cascades na babalik pa sa September 9, Araneta Coliseum! Kung matatandaan mo, isang blog entry na ang na-devote ko sa mga ‘yun. Hanapin mo na lang sa bodega ng merrywanna. Akalain mong mainit pa pala ang pagtanggap na inani nila noon?! Pahiya ata ko dun ah.
***
Talasalitaan:
Bahometer – daliring iniipit sa kilikili upang sukatin ang…
Mais con Hilo – sobrang mahal na dessert sa school na nakakasakit ng ulo
Amoy eew – hindi maipaliwanag na uri ng alingasaw
Banaba con Yelo – saging na saba na may yelo
Con con – labu-labong pagpapasya ukol sa magiging pamahalaan ng Pilipinas
***
Habang umoorder sa Katag (Kainan at Tagpuan), nakita ko ang paskil: “Para sa mga guro: Huwag nang pumila…” Mali eh. Dapat “Kayo ang modelo sa mata ng kabataan, pumila lamang nang maayos.”
Kinakain ko na ang sopas. Napagtanto kong pagkaing panlamay ata ang mga type ko ngayon. Nabasa mo naman siguro ang tungkol sa wanton at kangkong.
***
‘Di ko na alam ang nangyayari sa mga mata ng mga mama dito sa lugar namin. Akalain mong habang palabas ako ng eskinita, mala-chorale na nagsabi ng “Hi ganda!” ‘yung mga lalakeng nagtatrabaho sa construction. Ok lang sana kung miminsan pero hindi. Inaaraw-araw nila ako sa mga pa-hi lab-hi lab nila. At eto pa. Nung nasa daanan na ‘ko ng mga jeep, may delivery trak na huminto sa tapat ko at sabi ng katabi nung driver: “Hi Miss!”
***
Hinangaan ko ang isang friend na taga-Educ. Kung magkwento kasi, halatang mahal na mahal niya ang course. Pero komento niya, “Di ba ganyan naman tayong mga taga-UP, mahal na mahal ng mga estudyante ang mga course nila. Tignan mo, maraming ‘di makaalis.” Hehehe.
Siya rin ang kaibigang nagkwento tungkol dun sa “babaeng ipinagyayabang ang pagsali niya sa…FRAT.”
***
Minsan, pagkatapos ng stretching session namin, naghahanap ng lugar na pagbibihisan ang ilang kababaihan. Puno na kasi sa kabila. Tanong ng isa: “Pwede bang sa males’ CR na lang?” Sabi ko, “May tao ba?” Isa lang daw. E di pumasok na kayo at OP to death siya.
***
Alam mo naman siguro ang sinasabi nila tungkol sa mga lalakeng may malalaking paa. Maliban siyempre sa may malaki silang sapatos noh. E yun nga. Sa karanasan ni Xyra, may kasama siyang tumitig sandali sa isang guy na maliiit ang size ng paa at sinabi na lang nang walang anumang palabok: “Ano yun, sausage?”Diyos ko ija…
***
Naiinis si mommy 'pag binubutingting ni daddy ang lumang karaoke tuwing Linggo. May istatik kasi. Biglang lumalakas at pumuputok ang labasan ng bass. Ang linya niya: "Nagpapasabog ka nanaman ba ng karaoke? Sunugin mo na lang kaya 'yan?!"
***
Naghahanap ba kayo ng friend mo ng sweet na tawagan? Gayahin n'yo kami, ako si Psst at siya si Huy!
***
Kumukulo ang dugo natin 'pag naririnig ang mga ganitong tsismis:
"Sandara, nilait ang Pilipinas? Mabaho raw."
Aminin naman natin minsan na mabaho naman talaga. Kulang kasi sa pag-aalaga ng kapaligiran.