Sungkitin Mo


Ito ay may kinalaman sa iskrip na maipapasa ko na sana kay maestro, pero imbes na mailagay sa pigeon hole ay sa drawer ko naihulog. Naka-lock yun, kaya ang solusyon kung ‘di makukuha ang susi? Operation sungkit.

1. Magdala ng alambreng nakahugis-“L”. O “J” kaya? Para maraming pagpipilian, ihanda mo na lahat sa bahay at dalhin kinabukasan ang iba’t ibang hugis. Magpatulong kay kuya sa department para mabawasan ang pagiging kahina-hinala ng aktibidad na iyan.
2. Walang alambre? Manghiram ka muna sa namamasura. Mas maganda kung babayaran mo na lang ito sa kanya.
3. Magdala ng lagare para in case of emergency. Kung hindi mo masungkit ang papel, ala-boyscout ang drama.
4. Pa’no ibabalik ang drawer? Kailangan mo ng pako’t martilyo. Tsk tsk tsk… mag-iingay ka sa departamento kaya humandang masita.
5. Kung masusungkit mo naman, tiyak butas-butas na ang papel mo. Napag-aralan mo na sa scriptwriting para sa pelikula na maaaring nakamit nga ng bida ang objective niya pero ‘di pa rin siya masaya ‘di ba? ‘Yan at wala nang iba ang fate mo.

Matapos mong balikan ang steps na ‘to maiisip mo: Bakit hindi ko na lang i-print uli ang gawa ko e tatlong pahina lang naman yun? Kawawa ka naman.

Popular Posts