City State


Ito ang hotel na nasunog noon pero nakakabangon na ngayon. Makikita mo ito sa Quiapo at kalapit lang ang City Walk luncheonette. Sa di kalayuan, mababasa mo ang malaking banner ng Wise Hotel na may overnight promo starting 8pm. Siguro nga mas mura ‘to sa City State. Habang naglalakad ka at sinusulyapan ang mga lugar na ito, uminom ka na rin ng nilalakong mineral water. Masustansya dahil taglay ang samu’t saring minerals! May Sogo Hotel sa Avenida. Ang dami na nating hotel. Marami ring mahirap na walang matuluyan. Sila ang natutuluyan sa kahirapan. Pero ang dayuhan may pera, madaling i-accommodate.

Sa gilid ng simbahan, nabasa ko sa sa banner: 34th Anniversary of Plaza Miranda Bombing. Nakahanda na ang entablado. Ang mga Pinoy talaga o, hanep sa mga ipinagdiriwang. Isa pang favorite ay ang Fall of Bataan.

***
Linggo ngayon kaya gumala ang pamilya. Nagpunta rin kami sa Dapitan na bilihan ng mga home décor atbp items na produkto ng mga malikhaing kamay. Nakabili ako ng bag na may Betty Spaghetti sa likod. Aba, sa buwan ng Agosto ay nanghihingi si inay ng free calendar sa pinagbilhan ko.
***
Tanong lang, anong gagawin mo pag kinuha kang model ng Alpo o Pedigree?
***
Familiar ka ba sa Happy King? Sa Marikina ko ‘to natuklasan. Nasa estante. Parang Viagra ata yung effect. Napaisip ako kung bakit Happy King ang tawag. Ah, ok. Masayang Hari. May ka-kumpetensya ba ‘to? Pwede kasing pangalanang “Bi-Ag ni Lam-Ang.”
***
At nag-landing kami sa Chow King. Nakaamoy ako ng panganib dahil habang pinagmamasdan ko ang guard, napansin kong namumungay na ang mga mata niya at nakakatulog na nang nakatayo! Diyos ko po. Umorder na lang ako: Wanton at Kangkong with Bagoong. Tinatanong nila kung bakit parang pang-may sakit ang mga gusto ko. Maya-maya pa'y may nakapasok na paru-paro sa restaurant. Hindi mahuli ng guard. Buti hindi niya naisip na barilin na lang, baka nadisgrasya pa kaming lahat.

Popular Posts