Habitualization etc.


Naaliw lang ako sa diskusyon kanina sa Art Studies tungkol sa perception process. Sabi kasi, “As perception becomes habitual, it becomes automatic…all of our habits retreat into the area of the unconsciously automatic…we leave phrases unfinished and words half-expressed…things are replaced by symbols.” Tinawag nga itong ‘algebraic’ method of thought. Dagdag pa, “Habitualization devours works, clothes, furniture, one’s wife, and the fear of war.” Pag-isipan mo ‘to.

Pero hindi mismo ang mga ‘yan ang dahilan ng aliw, kundi ang sharings ng classmates at ni Sir Lauzon:
1. Lalakeng classmate: “Mas maganda po ang UP sa dati kong school. Marami kasing grass.”
2. Babae: “Example po ng habitualization na nangyayari sa ‘kin, yung pagdadala ng schoolbag.”
Sir: “Pa’no yun? Di mo na nararamdaman na may buhat kang bag?”
[Wahaha, parang part na ng katawan.]
3. “Dati po nagtatakip ako ng ilong ‘pag mausok.”
[Hala, ano nang ginagawa niya ngayon?!]
4. “Pag lagi kang naka-pants at isang araw nag-palda ka, sasabihin ng mga tao sa tambayan: “Saan ang binyag?”
5. Sir: “O ikaw, sawa ka na ba sa asawa mo (kausap ang isang estudyante na mukhang tatay na pero hindi pa)? Pa’no pag nagsawa ka na?”
Estudyante: “Iwan nyo na po.”
6. “Halimbawa po ng habitualization ‘yung nangyayari sa friendship. ‘Pag pare-pareho na lagi ang activities nyo, mag-eexplore kayo.”
Sir: “Aba, kwestyonable ‘yang sinasabi mong pag-eexplore ha.”
7. Sa media, kung araw-araw puro Jueteng o bombing ang maririnig mo nawawalan ka na ng pakialam. Hindi ka na nasasaktan. Dehumanization of some sort. Ginagawa ka ngang bato at nakakaiyak dahil kahit naka-flash na ang mga bangkay sa monitor mo, parang ‘di ka na tinatablan.
8. Ang lola na namamalimos sa overpass. Dahil araw-araw na siya dun, parang nakadikit na sa dingding at di mo binibigyan ni katiting na atensyon. At dahil parang bahagi na siya ng estruktura, pag isang araw nawala siya sasabihin mo lang “Nasaan na si lola?”
9. Streetchildren? Bakit ako maaawa. Dahil araw-araw din silang andyan, ibig sabihin nakaka-survive naman sila!
10. Sir: “Art makes the stone stony…and the corn?”
11. Sir: Anong ichura ni kamatayan?
Ako: (Nakatingin kay Vangie na naka-black) Naka-black po.
***
Usapang Suso (not the snail).
Oo na, pumunta nga ako sa Usapang Puki noon pero tapos na ‘yun…bahagi na ng nakaraan naintindihan mo? Iba na ‘to. May libreng konsultasyon. May nagtanong kay doktora: “Totoo po bang nakaka-breast cancer pag nababangga?” Hindi totoo ‘yon iha, pero wag mo naman palagi ipabangga ano ha.

Pagpasok ko sa kwarto, gusto ko na sana umurong. Aba e lalaking doktor pala ang tumitingin. Tapos ‘yung dalawang assistant niyang mga babae, lalo pa ‘kong tinakot. Sabi kasi, “Ang ganda mo naman miss, pwedeng pa-autograph?”

Naku, itong si Rus, nung sinabi kong nag-fashion show si Angie reaksyon agad “Ha?! Fashion show ng suso?” Pagsamahin ba raw ang dalawang activity ng soro. Ewan ko sa kanya.
***
Sayang. Nag-text kasi si Mich at niyaya akong mag-ride-all-you-can sa Star City. Iti-treat nya sana ako pero ‘di naman ako available. Tapos nag-text uli: “Lamu, ung mga gs2 qp nmn tlgang isma ang xng di pde! ;c” Binuking ko nga. “May teorya akong ang ililibre mo lang ay ang mga hindi pwede!”
***
Meron akong dalawang mahahalagang aral na narinig habang nasa GA kanina. May nag-uusap tungkol sa “tapakan ng karapatan.”
1. You’re in a public place, so don’t ask for your right to privacy!
2. Your right to swing your hand ends where my nose begins. -Steph
***
Halamang Tawa-Tawa, ginamit na gamut kontra-Dengue sa Kidapawan. Sabi na nga ba. Laughter is the best medicine.

Popular Posts