Weak Na Wika?
Pansin na pansin natin 'pag hindi fluent sa Ingles. Ngayong Quezon City Day, napaisip lang ako...ang hirap ding i-perfect ng salita natin. Pag nagre-recite sa klase, mahirap nang hindi mag-ampon ng mga English words coz otherwise you'll sound awkward. Kanina sa Eat Bulaga, specifically in Bulagaan Olympics (portion ng mga knock-knock atbp), nakakabaliw ang pagsasalin nila sa lokal na lenggwahe. Siyempre Sexbomb becomes Kasariang Bomba. Si Dr. Calayan ay kinamusta at tinawag na "maninipsip ng taba." Si Vic Sotto, binati rin ang doktor niyang "manunule." Ang laswa na tuloy! Buti pa si Jose, yung doktor lang sa mukha ang binanggit. Ang gaspang ng face nun kaya si Dr. Kalaykay ang suki. So ano na ang calculator sa Tagalog? Talapindutan ng mga bilang? Dapat siguro itanong na lang natin sa KumpaƱerang Kuba, ang abogadang nagkanda-kuba sa mga kaso. Di naman kaya'y sa Kampanerang Cubao. Ang Tagalog daw ng kutsara ay panubo. Kung ang underline ay salungguhit, ang brip ay "salo nang salo." Kung sumasakit na ang ulo mo sa mga sinasabi ko, magshampoo ka muna gamit ang Head & Soldier. Ito ang anti-dandruff formula specially made for our soldiers.