Con-science

Inay, ikaw ba yan?

Bakit nga ba masayang tumungo sa pav4 sa kabila ng nababanaag na karimlan? Aba! Maliban sa mga basurahang malalaki at may takip (kapana-panabik buksan at baka may biglang mag-miyw), panalo rin ang mga hirit ng guro ukol sa pagtatalik at contraception. Iwan muna natin ang konsepto ng pentelness ni Gerry.
Sa siklo ng pagreregla, wala raw talagang safe period para sa sex. Minsan, may estudyanteng lumapit kay mam at nagsabing baka buntis siya.
Tanong:"Ha? Bakit? Di ba ni-lecture na natin yun?"
Tugon: Eh mam, absent po ata ako nun.
Konklusyon: Bawal mag-absent sa Bio1, nakakabuntis.
Halos bawat semestre, mayroong lumalapit. Naku, minsan lalaki pa. Wish ko lang. Ang totoo nito, astig para sa kin ang love story ni egg at sperm. Yung lalaki ang gumagawa ng paraan para hanapin siya at ang dami pang ka-kompetensya! At pag nagtagpo na sila, nagkakaroon na ng reaksiyong kemikal upang di makapasok sa cell membrane ang ibang sperm. Faithful lovers! Samantala, nakakaagaw-pansin ang notes ni mam sa mga pamamaraang kontra-buntis. Yung isa kasi: abstinence-no intercourse, no pregnancy. 100 % effective nga naman. Walang tatalo.
Alam na natin na ang Viagra ay may iba pang silbi dahil tumutulong ito upang maging higit na permeable ang mga daluyang-ugat. Wag lang paiinumin ang buntis dahil baka raw tumayo ang bata. Sa question and answer portion, nakakabulag ba raw ang sobrang mast*rbation(hindi masyadong halata)? Feeling ko pag natalsikan...ewan. Bale dapat pumikit? Ang paliwanag naman kanina, tumataas kasi ang presyon ng dugo kaya baka di nakakayanan ng retina at nagdi-disintegrate na lang siya.
"A Russian's sex organ was grown in the patient's forearm," as revealed by a shared news article today. I suggest that they put it on the nose instead. Hello Pinochio! Creating a new version of that story would then be the next project. Actually, this was already done with Snow White & The Seven Dwarfs. The piece titled Snow, Glass, Apples made use of weird characters and freaky events which led to the Queen's victimization. The new Pinochio may be portrayed as a boy created out of wood, forced to live a damned boring life and resorted to obscene leisure activities.

Comments

Popular Posts