UP Tour Plus Textus Adiktus

Nagkita kami kanina ni Jam sa skul para sabay na kumuha ng grades. Ang saya-saya, nakilala ko pa si Jaykie. May nadiskubre ako tungkol sa lagoon: Dun daw napupunta ang mga dumi ng tao mula sa mga dorm. Kaya pala berdeng-berde ang damo sa part na iyan. At di lang human wastes ang dito nagtitipun-tipon, pati mga tinatapong bangkay at kahit mga elementong bumubuo ng panibagong buhay. Astig noh. Kain tayo!
May bago akong trip: kumuha ng class card kahit di mo kinuha ang subject. Mag-eskandalo at ipagpilitan pa. Naisip ko rin, pano kaya ang removal exams sa PE? Kunwari 4 ang grado ko sa cheerleading, magchicheer ba ko mag-isa para tignan ng prof kung papasa ako?

At dahil magse-second year na ko, napagpasyahan kong mamaalam na sa crush kong guard. Yung sa Bahay Ng Alumni. Kanina nga sa jeep, hinala ni Jam misis nun yung kasabay namin sa jeep. Kinabig ko yung braso ng friend ko nang marinig kong sa Bahay bababa yung babae. Siyempre nagbibiro lang ako, di naman ako head over heels sa gwardya at tuluyan akong mati-turn off kung matutuklasan kong may asawa na siya.
Pag-uwi, text text muna...
Paul: GOOD FRENDS r frends u can col at 2 in d mrning & tell dem u killd sum1...
But TRUE FRENDS r those hu show up at ur house w/ a shovel, no questions asked.. :-)
Me: paul, nkpatay ako.
Paul: San ba kayo nakatira?
Me: Mmya k nang 2am pumunta. Bka matiklo tau ng parak.
Paul: Cge. May pala ba kau?
Me: Wla e, pro my hardware d2 s Visayas ave. tpon nlng ntn s Diliman 2.
Paul: Sunugin nlng ntn. ok lng? Bka my witnesses, sma nrn nten.
Me: GOOD FRENDS r frends u can col at 2 in d mrning & tell dem u killd sum1...
But TRUE FRENDS r those hu show up at ur house w/ MATCHES, no questions asked. :-)
Masarap malamang may tunay kang kaibigan. Pero kung pareho kayong brutal, mag-ingat ka dahil pag naging mortal kayong magkaaway eh manganganib buhay mo. Susunugin ka pa.

Comments

jam said…
ang galing. hehehe.
malay mo nga asawa niya yon diba...tama lang na mamamaalam ka na sa crush mo. mahirap na.
hehe, naaliw daw ako sa usapan niyo ni paul (close kame). kapag ikaw nakapatay, at tnext mo ko to get rid of the corpse, eto sagot ko:
"teka pare bago natin i-dispose yan isabay na rin natin yung mga pinatay ko."
wahehehe. masama tayo. parehong brutal! :D

Popular Posts