Paralyzed Transpo


Unang araw ng summer classes bukas pero kasabay nito ang malawakang kilos protesta ng mga dyipni drayber nating ‘di na malaman kung saan huhugutin ang kita sanhi ng walang pahingang pagtaas ng presyo ng krudo. Para na!

Imbes na nagba-blog ako ngayong gabi, dapat sana’y nagpapahinga na ‘ko at nag-iipon ng lakas para sa nagbabadyang alay-lakad sa peyups. Tamang-tama, malawak ang kalsada roon at nung minsang ikinuwento ko kay mama ang mayayamang de-kotse sa unibersidad, mag-skateboard na lang daw ako sa elliptical. Mahirap nga naman ang buhay ngayon (ilang beses ko nang nasabi ‘to rito at sana wag nang maulit)… “Kaya anak, sumali ka na sa Game KNB.”

Comments

Popular Posts