Ang Pag-Iisip, Bow.

(Hango sa FB comment thread)

Sabi nila, nakakapagod mag-isip. Sabi ko naman, huwag na lang isiping nakakapagod mag-isip. Pero tama nga namang maraming dapat pag-isipan. At kung iisipin, masarap ding mag-isip. Lalo na kung iniisip ka niya!

Sa huli, napag-isip-isipan ko na ang pag-iisip ay ‘di na dapat pang isipin. Basta ang isipin mo na lang, huwag pag-isipan ng masama ang iba. Kung may mga ganyang kaisipan, aba’y mag-isip-isip ka muna.

Popular Posts