Kasalang Sibil

Ito ay isang tagpo sa studio, kung saan isang audioman ang nagtanong kung bakit hindi pa ako nag-aasawa sa edad na 25. Hindi ko ipaliliwanag dito kung bakit, pero kailangan ko lang talagang ibahagi kung anong lubos na nagpatawa sa akin.

Ang nagtanong pala, hindi pa rin naman kasal pero natagpuan na ang "The One." Madali na lang naman daw ang kasal. Puwedeng civil. Basta pumunta lang daw sa Civil Service Commission. :D

At biglang binawi niya ang sinabi. Hindi naman daw dahil kailangang mag-apply ng eligibility para maging permanent...ang relasyon. Hahaha

Sumagi tuloy sa isip ko, what if may lumapit sa window ng CSC na mag-nobyo at magsabing "Nagmamahalan po kami." Sasagot ang nakaupo: E ano ngayon? =p

Popular Posts