The Cascades Live In Manila (?!)


It hit me the way “Manananggal In Manila” stupefied us years ago. With the catch phrase “We’re still alive!”, I wonder how those white guys looked in their heyday. All of a sudden they'll be staging a concert at Araneta Coliseum. To be fair, their lead singer may well take the role of Rod Strunk in the Sustagen Premium commercial. Wouldn’t it be nice if Circulan will be re-named Cascades? “Nasa Dugo Lang ‘Yan.” When Pops Fernandez and Martin Nievera are already old, will they also promote concerts abroad saying “We’re still alive”? I doubt it’ll work. God knows why of all places, the Cascades chose Manila to be the first venue for this comeback event.

Noong unang panahon, bata pa si Ma at nakikita lang ang Cascades sa mga larawan sa long playing record. Ngayon, makaraan ang ilang dekada at dalaga na ang kanyang anak, pwede niya nang makita nang personal…pero ayaw na. Nagulat na lang si Inay dahil nang lumabas, matatanda na. Sabi ko nga, “Gwapo naman yung nasa gitna ah!” Umirap lang si Ma at “Pakelam ko sa matandang yun?” Akala nya nung pinakita sa TV, mga bakasyunista lang sa Boracay. Laking gulat, magko-concert?! Dapat sa maliit na kwarto na lang. Pag-uwi ni Itay galing trabaho, I happily announced…”May concert ang Cascades!” Panahon pa raw yun ng kopong-kopong.

Hirit pa ng gwapo, “We would like to invite our fans 2 watch our reunion concert.” Huli na ang lahat! Pag-awit ng “Dreaming,” sasabay ang back-up singers ng “awooo…” Hanga rin naman ako dahil di nagbabago ang boses nila. Ang gagaling pa rin. Sa totoo lang, napabalitang patay na sila, nagkawatak-watak, at ito nga, muling nagsama-sama. Madali raw tayong naniwalang nasawi sila dahil di nairelease dito yung sumunod nilang album noon. Ang ipinagtataka ko lang, bakit sa tagal ng panahon, ngayon lang sila nagpaparamdam.

Ito pa: Just imagine kung pumunta ang senior citizens na mga panatiko. Mga nakatungkod sila at dahil malabo na ang mata, magtatanong: “Iho, sa’n ba entrance?” Kailangan pala ng maraming usher. Patungan na rin ng 20% yung ticket price dahil nga may automatic discount for oldies. Pero naku, kung mahal ang entrance eh baka langawin (ano ‘to, bangkay?). Pero panigurado, wala na silang pag-asa kay Ma dahil kahit libre, “Ikuwento mo na lang sa kin!” Mas pipiliin pa raw niyang manood sa widescreen ng Plaza Miranda. Kung dadalo ang mga kabataan, di ko lubusang matanggap ang magiging last song syndrome ng mga yun: “Listen to the rhythm of the falling rain…” Di lang dapat pakinggan ang tikatik ng ulan dahil baka before you know it, mataas na ang tubig.

Iniisip namin ni Ma kung anong nangyari noong iniimbita ng bansa na magconcert ang Cascades dito. Siguro, “Philippines? No, poor country!” Pero ngayon, “Philippines, we’re still alive!” Pa’no kaya sila mag-usap-usap? “Uy pare ang tatanda na natin gusto pa rin tayo!” At yung mga kapwa nila banyaga, “Mahiya nga kayo.” Buti pa raw ang Platters, di nagconcert dito at di kasing tapang ng apog. Nagbiro pa si Itay tungkol sa Peter, Paul and Mary.
Peter: I’m not the apostle!
Paul: I’m not also the apostle!
Mary: I’m not a virgin!

May mas magaling pa sa The Cascades. Everly Brothers. Sila yung “Dream dream dream…” at “Darling you can count on me…” Ang asaran ngayon sa bahay namin, kesyo raw si Jolina ang inabot ni Ma samantalang si Itay, Cascades. Beware, baka pag sa Pilipinas pa inatake ang mga yun sa puso (God forbid), pagbayarin pa tayo. Pa-deport na lang natin.

Gusto kong i-spoof yung Camay commercial na kinaaasaran ko. “Hon, basketbol lang ako. (Pare, Cascades na lang tayo.) Ay, may pilay pala ‘ko. (San? Sa kamay/camay?)”

Kung ako ang Cascades promoter, gagawin ko silang The Caskets. Pwede ring Casava kaya lang pumapatay yun. Babantayan ko kung may gagawa ng pirated CDs ng mga alaga ko. Sa ad ko sasabihing, watch at your own risk! O sige na, tatapusin ko na ‘tong mahabang tribute. Magda-download pa ko sa WinMX ng musika nila. Baka nasa MYX Top 10 din sila, hilig pa naman yun panoorin ng tatay ko.

Comments

Popular Posts