Lessons


Tumingin sa paligid. Magbasa-basa. Natitiyak kong may mga natagpuan ka na ring mensahe tulad ng mga sumusunod:

* Caution: This Product should not use on eyebrows and Eye Lashes and should make allergy test when using product first time, see details inside. (as seen on a box of hair color)
* USE EXPLAIN: Install battery: identify the sign place the battery in the battery box, the clock will working. If not the clock can not work. Check time: please revolution the left button until standard time. (product: lamp with clock)
* When switched on you may experience a slight noise from the motor. This should not affect your enjoyment of the item. Non-rechargeable batteries are not to be recharged. (product: battery operated Santa Claus)

Marahil ito ang mga tunay na leksyon ng buhay na sapul pagkabata, dapat ay naituturo na. Dapat nilang tularan si Inay. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga narinig ko sa kanya:
* Play before I pay. Sabihin ito kung bumibili ng cd ng pelikula o videoke. Naaalala ko ang programang “Study now, pay later.”
* Ok lang paghintayin ang jeep sa kanto habang naglalakad ka. The customer is always right. Tapos bumaba ka exactly where you want to, kahit 3 feet away na lang ang unang hinintuan.
* It’s better to have bad breath than no breath at all. Classic na ‘to, naitext ko na nga sa friends ko. Yung isang balbon sa kanila humirit pa, “It’s better to have facial hair than no hair at all.”

Mahusay.

Comments

Popular Posts