Patay at Pilay
Napakasaklap. Mayroon na namang nagpatiwakal: si Teodoro Bulaong. “Bulabong? Oblaong?” ang sabi ni Inay. Bulaong po! Igalang naman natin ang kaluluwa nung tao. Tumawa lang siya lalo na nang sabihin ni Itay na malabong tularan niya ang ginawa ng mama. Di talaga siya magpapakamatay. Yung mga pinagkakautangan niyang di pa nababayaran, baka. Ayon sa balita, kailangan na ng pamahalaang lumikha ng programa para sa suicide prevention. Tsk tsk tsk…dati fire prevention.
Ngayong gabi, isinalang ni Pa ang tape ng instrumental hits. Tunay nga namang food-minded siya. Para sa kin kasi, animo’y pangkasal ang musika samantalang ang dating sa kanya, nakakagutom. Parang pini-play lang yon sa mga eat-all-you-can. Si Inay naman, nag-aalala dahil baka makatulog si Pa habang nagmamaneho kung yon ang background.
Mahilig din si Pa sa mga awit ni Kyla. Biruin mo ba namang may pinsan akong bibinyagan sa pangalang Ezekiel at pano raw kung babae? Dapat daw Kyla. Magkatunog ha! Speaking of names, may dalawa kong friends na mahilig tumawag sa mga tao ng one-syllable lang. I suggested na “Ti” (from my surname Conti) na lang ang gamitin niya sa kin. Yun nga lang, wag nang uulitin kung di ko man siya marinig.
Masakit ang siko ni Ma. Natatakot naman siyang dalhin sa Orthopedic dahil tiyak, pag-uwi niya eh naka-semento na. Ewan ko ba sa mga yun. Ilang taon na ang nakakaraan nung ikonsulta ni Ma ang napilay niyang hinliliit sa paa; gusto ba naman ng doctor sementuhin hanggang tuhod?!
Comments