Lessons From The Pimple


Mapalad daw ako at makinis ang mukha. Isa lang ang masasabi ko, sinunod ko kasi ang bilin ni Inay.

Kapag sinabing wag gagalawin ang pimpol, wag nang makulit at magpumilit na tirisin. May kakilala ‘ko na sa sobrang kagustuhang magpa-cute sa crush niya nung first year high school, ayaw niyang may uusbong na pimpol. Hayun… kakaalis, nabutas daw ang mukha niya. Umabot pa sa puntong namaga at di siya nakapasok ng 1 week.

Nung 3rd year, nawala na ang naramdaman niyang paghanga sa babaeng iyon. Nagsawalang-bahala na rin siya sa face matters at sinabi sa sariling “Di bale na kung di ako maglinis ng mukha, di naman ako papansinin nito.” Kahit anong gawin niyang paghihintay, walang tumubong pimpol. Feeling ko alamat ‘tong ipinost ko.

Nung fourth year, na-in love siya sa kin. Hindi raw ako nagdulot ng kahit na anong pimpol o butas sa mukha niya. Ito raw talaga ang true love, taliwas sa sinasabing pag in love, di makatulog at tutubuan ng taghiyawat sa ilong.

Comments

Popular Posts