Lova Lanuza


Roll call. “Castro…nasa’n kuya mo?” This is Professor Lanuza for Sociology 10, brace yourself. In our class, dropping is encouraged. “Tataas ba sweldo ko pag maraming estudyante? Kaka-check ko ng exams noon, di na ko nakakapanood ng Mulawin.” Hiningi nya na ang contact numbers namin. Wag daw mag-alala, di nya kami ise-sex text. Tulad ng pagbibigay ng 5 bilang grado, cheap daw yun. Binigay din naman niya ang cel# pero may kasamang “Putanginang Sun, walang signal sa gabi.”

Magbabasa kami ng articles mula sa librong “Nation, Self, and Citizenship.” Wag daw manghinayang bumili dahil magagamit pa later on…display ba. O kaya ibenta at sabihing “in good condition” (di nagamit!). Pag bili mo, may syllabus ka na rin. Hello Table of Contents.

“I don’t believe in grades. Yung mga nakaka-uno, pinakauto-uto!” Pang-freshman daw talaga ang Socio 10 dahil kung 3rd year ka na, marami nang na-imbibe sa UP. Ulul na. Bale uululin pa lang kami. Palagay ko nga, suggestion pa lang nya ng report styles…
Ø I will reserve the lagoon. Bring BF and snacks. Tapos game tayo: “Hanapin ang nawawalang coin sa lagoon.” Bibili tayo ng swimsuits para sa pagsisid.
Ø 30 minutes jogging bago report.
Ø Isang araw, assume there is no God. Iba dyan tatawag sa boypren, “Tara na, walang God!”

At wag mong kalilimutan: wag siyang tatawaging “sir.” Ito ay pambabastos lalo na kung sa mall kayo magkikita. Mamaya, katatapos niya lang manood ng bold film at humahagibis ka pa patungo sa kanya. Kung matigas ang ulo mo at sir pa rin, sasagutin ka lang nya ng: ‘O bakit Inday? Nagluto ka na ba?”

Sa classroom, hindi siya nagbabarong. Magmumukha daw kasi siyang ahente na nagbebenta ng mga ideya. Pero seryoso na ito, hinahamon niya talaga ang aming mga paniniwala lalo na sa relihiyon. Nilalagay lahat sa chopping board at kailangang magpakatatag ka. Kaya ko ‘to. We will debate soon and hopefully until May I’ll learn how to convince him.

Comments

Popular Posts