Kakulitan


Ito ang katangiang mahirap kalimutan ‘pag ako ang pinag-uusapan. Ngayon, dalawang uri ng kakulitan ang aking ilalarawan: pampaaralan at pangtahanan. Ang una ay tumutukoy sa mga hirit na kusang lumalabas pag kapiling ko ang mga ka-eskwela at ang huli ay ang walang humpay kong paghiling ng kapatid na lalake.

Ang sumusunod ay kabilang sa naunang klasipikasyon:
Ø Knock knock. Who’s there? Katahimikan. Katahimikan who? (Tumahimik nga.)
Ø Laging kinokontra ni Joca ang friend kong si Gianne. Dahil dito, gagawa ako ng nobelang (na sana ay isa-pelikula ni Jam) El Argumento Del Señor Malacaman. May El Dejado at El Descompiado. Tsaka na ang embutido at ahedres.
Ø May pinapaamin ako ukol sa kanyang sekswalidad. “Straight ka ba? Eh bakit kulot ang buhok mo?” (Naku, halata na naman ang subject ko.) Gusto ko pang awitan ng “Di ako bakla, pero halata…”
Ø Bio Boxing Champs. Ito ang tawag sa barkada namin, binubuo ni El Terible Morales (Pat), Barera (Pearl), at ng inyong lingkod, Pacquiao.
Ø SM Band. Dito nauwi ang LSS ko nung nakraang araw. Naadik kami sa paging service ni Pat (ting ning ning, calling Dr. Patricia Batac, please proceed to the circumcision area. A 34 year old man is waiting for you. Again…) kaya nagpasya kaming ternohan na rin ng mga instrumentalist at choir para sa SM jingle.
Ø Ilokish at Bikolish. Galing ito kay Gerry. Mga lokal na lenggwaheng nabahiran ng Ingles.
Ø Tom and Gerry. Kinuwento ko kay Inay na tinawag ako ng propesor bilang babaeng Gerry. Dahil nga Rat family kami (refer to previous posts for explanation), si daddy ang Tom.
Ø Speedy Gonzales. Gusto kong mauna sa klasrum noon, pero mas mabilis pa ang pagduyan ng mga braso ko kaysa paghakbang ng mga paa. Naiimagine mo na ba?

Isisingit ko lang ang nangyari pag-uwi ko: May naghuhukay sa tapat namin at sabi ni Inay laging “government” ang isinasagot pag tinatanong nya kung sino ang may pakana. Eh ano ngang sangay ng gobyerno? Sabi ko tanungin namin uli at pag yun nanaman ang tugon, dapat sabihan na ng “Define government.”

Usapang kapatid na tayo. Dahil only child lang me (walang kokontra), aasahan mo nang hihingi ako ng baby brother. Ang problema, wala na sa plano ng mga magulang ko. Nagugulat din siguro sila dahil kung kailan tumanda na ko, ngayon pa nangungulit. Kesyo raw sinong mag-aalaga at magpapaaral, delikado pang magbuntis pag nasa 40s na. Tanong ko lang, delikado na rin bang magbuntis si daddy? Aba, talagang mapanganib ‘yon apo! Ah basta…may ipapangalan na nga ako eh. JM. John Martin Conti. Asteeg! Kaya lang malabo talaga. Kagabi nung nasa bedroom na ang pamilya, nag-last hirit pa ko: Daddy, brother! Pero ang sagot lang sa kin: Zzzzzz….(nagpipilit matulog).

Comments

Popular Posts