Trust


Pagtanda ko, gusto ko magkaroon ng katiwala. Pag wala, eh di katiWALA. Pag pinalayas ko, katialis. Pero hindi ito yung gamot sa kati. Nakakatawa, may kakilala akong ‘di mapagkakatiwalaan pero gumanap bilang katiwala sa isang dula. Inimbita pa niya ‘ko upang manood nang libre sa UP Theater. Patay ako sa kanya pag nabasa niya ‘tong post ko. Halatang siya ang tinutukoy ko… ‘di ba Rusell? Hehe. Special mention pa talaga yan ha.

Since we’re talking about roles, let me tell about “Catman Returns.” Yep, catman and dad are one. Dahil bukas na ang UJP induction, nagbabalak siyang sumunod at magmasid sa Sunrock Resort. Siya naman daw ang gagamit ng maskara at mga kuko. Mali ang una kong inimagine: naka-shades sila ni mama at nakakubli sa matibay na pader o ‘di naman kaya ay sa malalaking coconut leaves. Buti naman at napigilan ko, by telling them what is written in the union constitution: No observers allowed. Aba, nagdahilan pang hindi naman daw sila magmamatyag kundi mag-eenjoy lang sa tubig na tila walang muwang. May goggles pa raw o.

Bago ako umalis, inayos ko muna ang pre-enlistment form sa CRS. Iminumungkahi kong lagyan ng more comprehensive profile ang mga propesor: may pic at survey kung ilan ang nagsasabing terror o ok siya. Sa gayon, hindi lang lagapak ng pangalan ang batayan ng pamimili ng mga estudyante. Kung magtuturo ako sa unibersidad balang araw, magiging si Prof. Fernandez-Conti-Samarita ako. Elegante raw sabi ng Rapish (marami nang ‘di makaka-relate dito). Tama. Para wag tuluyang mawala ang mga naunang apelyido, tulad ng kay Prof. Ligaya Tiamson-Rubin. Pero duda ko lang kung may magpa-enlist pa sa kin. Biruin mo maririnig sa mga mag-aaral na naguguluhan: “Magaling ba si Mam Fernandez-Conti-Samarita?” Wag! Terror yun. Mawawalan na sila ng tiwala sa kin. Baka ‘di na rin ako magkaron ng katiwala.

Comments

Popular Posts