Enrollment Blues


Beware of Peeves, not thieves during this season alright?

May kinikimkim bang galit sa kin ang isang prof sa Broad Comm department? Aba! Mas nahirapan pa kong tapusin ang proseso ng Summer enlistment kumpara sa regular sem. Pa’no ba naman, kailangan pa ng mahiwagang pirma. Malas, pinapaghintay nila ang mga estudyante na nagkukumpol-kumpol sa makitid na koridor. Grrrr… Tapos ‘di nila alintana ang hirap mo. Kapag mapalad ka at nasa unahan na ng pila (parang autograph sa showbiz personality), madidismaya ka dahil ang guro pala ay relax na relax, naka-dekwatro, at parang Don na nagsasabing “Next”. Gayunman, mahal ko pa rin siya. Kailangang mahalin ko siya. Bakit ganoon yun? Pag di mo kailangan umaali-aligid lang at naninigarilyo pero pag nagkakandarapa ‘ko para sa paggabay niya, mamumuti na mga mata ko sa kahahanap.

Matapos ng breaktime, feeling mo biyaya galing langit pag umakyat ang blinds. Disillusioned ka naman. Umpisa palang pala ng kalbaryo. Uupo ka nang matagal at tatawagin ang pangalan mo kung maayos na ang papeles (ano ‘to, pa-raffle?). At dahil matagal nga ang pag-usad ng mga pangyayari, tumambay muna ko sa Journalism dept. Ang kapal ng mukha ko, dun pa ko nanghikayat na mag-shift na lang sila sa BC. Pati mga ga-gradweyt na di ko pinalampas. Baligtad ata, dahil ako ang magtatanong ng shifting requirements kapag nasaid na pasensya ko. Pero well, di ko pala ‘to gagawin dahil baka ito pa ang gusto ng prof.

Minsan talaga hintay ka nang hintay, wala namang nangyayari. Ehem, ehem.

Comments

Popular Posts