Driving Lessons
October 1 pa lang bakasyon na sa peyups. Bakit daw ang aga? Kasi matatalino raw kami at di na kailangan magklase. Hehehe...feeling. Ang totoo, tinatamad lang ang mga prof.
Next June 12, twenty na 'ko. Ang panget pakinggan. "Mary June Conti, bente anyos, akusado ng sedisyon. " Teka, sa lahat ng kaguluhan ngayon, nasan si Honasan? Tahimik ah, baka may inaayos...hmmm. Anyways, nasa tamang edad na raw ako at gusto ng tatay ko na mag-aral nga ako...mag-eenroll marahil sa A1 o Socialites? Para raw may drayber na siya pag namamasyal tuwing linggo. Ako naman, laging nananaginip na nagda-drive, 'di lang marunong pumreno! Sabi tuloy nila, sasamahan ako 'pag nag-take na ng lessons. Una, baka molestiyahin ako ng instructor. Ikalawa, magdarasal ng Ama Namin para 'wag madisgrasya ang sasakyan. Kasama kasi sa kontrata ang % ng repair expenses na sasagutin 'ko 'pag nakabangga.
Pero bago ang mismong pagsabak sa kalsada, I suggested na turuan muna nila 'ko. Siguro sa garahe o sementeryo muna kasi wala pa 'kong student license. Pero eto ang catch: Unti-unti nila 'kong tuturuan. Wiper speed, pagpapalit ng mga ilaw, pagsindi ng makina at pagbukas nito kung pumapalya, and lastly, pag-atras abante ng upuan. Hanep na lessons 'to ah! Siguro pag ganito nang ganito, gagaling ako sa pagparada paatras at pagtakbo paakyat ng zigzag na daan!
Tanong ko: Pa'no 'pag ang sked ko sa driving school ay sa hapon? Ibig sabihin 'di ako marunong magmaneho sa gabi? Bakit yung langaw pag sa loob siya ng jeep lumilipad, hindi siya naiiwan? Ano ang pinagkaiba ng masilya sa makinilya? Sa mantikilya? Ok lang bang mamigay ng Mcdo leaflets sa mga taong nagdaraan sa harap ng Jollibee? Magkano na ba ang bangko ngayon? Kaya ko bang bilhin ang Rural Bank Angono? Bakit uso sa Pinoy action films ang pagpapasabog ng mga kotse at ang pagpapaandar dito kahit puro bangga na? Pano nagagawa ni Inay na sabihin sa harap ng salamin ang: "Parang ang ganda ganda ko"? Pwede bang ang pangalan ng Basilan ay gawing Barilan? Bakit mahilig si daddy magbukas ng maraming ilaw sa bahay kahit parang madilim naman ang kinabukasan namin? Ano ang ibig sabihin ni Bagz nang masabi niyang mahal ang tao sa Ateneo? At sa Chicken Dance song, pano napakanta yung manok?
Isa lang ang kaya kong sagutin: Bakit pahinto-hinto ang CD tuwing kumakanta 'ko samantalang di nagloloko ang videoke 'pag si mama ang kumakanta? Sabi ko sa kanya, "E mama, nagloloko na raw po ang boses e."
Nag-volunteer si mama na tuturuan ako magdrive. Pero puro turo lang. Parang, "O 'yan ang clutch, brake, gas...and so on." At pag-ikot ko ng car key, mababali ito at maiiwan ang kalahati sa saksakan. Patay ako kay daddy nito.
Nga pala, sa 'di maipaliwanag na dahilan, "atorni" ang tawag ni mommy kay daddy. Hindi naman 'to nag-aral ng abogasya pero tumatawa na lang ako sa tuwing maririnig 'yun. Halimbawa, "June, natikman mo na ba 'yung mango shake ni atorni?" Kadiri noh? Minsan umiikli at nagiging 'torni na lang. feeling tuloy ng tatay ko ka-partner niya na ang screw driver (tornilyo).
Teka, naaalala ko na kung bakit. Minsan kasi todo-porma ang tatay ko. Sinuot ang polo niyang mala-barong ang dating. Biglang ginising ang nanay ko, "Tara na sa Cabalen." Eat all you can lang pala ang gagawin! Sa katakawan, kasama raw pati lamesa. Sa Tagalog, "Kainin mo lahat ng makakaya mo."
Sa October 4, feast ni St. Francis. May blessing of pets. Hindi raw papapasukin ni ma sa office si atorni para mabendisyunan. Wehehe... Ang saya ng family ko!!!