Joint Blog Plus Lintik
Nag-umpisa sa katatawanan, ngayo'y bahagi na ng katotohanan. MAY JOINT BLOG NA KAMI NG KAIBIGANG NAGPAPABADING SA 'KIN! Visit kantiko.blogspot.com for more fun and excitement! Pagpasensyahan muna kung hindi pa organisado ang mga buhay namin dun.
***
Isang araw din akong binagabag ng katanungang ito: Ano ba ang tunay na lintik? Lagi itong ginagamit pero meron ba itong malinaw na kahulugan? Dahil dito, tinignan ko ang mga pagkakagamit nito sa ating wika:
Ø Lintik na bata ito o! (Matapos guluhin ang labada)
Ø Lintik lang ang walang ganti.
Ø Mga tinamaan talaga ng lintik ang mga yan!
Ø Nalintikan siya kahapon sa boss niya.
Ø Lintik na buhay ito o.
Hindi ko alam kung nakatulong. Naguluhan ka rin ba? Feeling ko kasi, nangingibabaw ang kahulugan ng lintik bilang isang uri ng PINSALA o BWISIT. Kapag nakagawa ka ng isang bagay na nakapipinsala, isa kang lintik. Kapag wala ka na sa tamang pag-iisip, isa ka ring lintik. Ang lintik ay nakasisira ng mga relasyon. Wag kang mambababae kung ayaw mong malintikan sa misis mo. Pag nagkataon, isa ka nang nanlilintik o maglilintik. Magsayaw ka na lang ng Maglalatik. 'Pag tumama ang lintik, parang mantika ba itong tumalsik? Maaalis pa ba 'to o parang lintang nakakapit? Yung may tartar ba, masasabing tinamaan ng lintik sa ipin? Ang lintik ba ay tulad ng isang sandata kung kaya pwedeng sabihing "tinutukan ng lintik?"
Dahil sa malalim na pag-iisip, ninais ko na lang tuloy na magtayo ng Lintik Bakery. May paskil na nagsasabing: Bawal ang istambay dito. Malilintikan. Pag may sumuway, "Di ba kayo marunong umintindi? Gusto n'yo pa atang malintikan e!" Sa ganitong pagkakataon, parang nato-torture ang mga customer. Isa na akong "manonorture." Ang gulo, parang nurtured imbes na tortured.
Pwede rin akong magtayo ng Lintik Funeral Parlor. Sa labas nakalagay: We accept the dead.
Isang halimbawa ng lintik ay ang water cannon. Ginagamit 'to para itaboy ang mga nagrarally sa Recto. Tanong ko lang, galing ba ang pondo ng water cannon sa buwis na ibinabayad ng mga Pinoy? Sa'n pa ba maaaring gamitin ang naturang kanyon? Pangtaboy sa mga tambay ng Lintik Bakery? O pangtaboy sa boyfriend na tinamaan ng lintik? Siguro higit na makabubuti kung gagamitin ito para paalisin ang nakadapo sa kurtina, isang insektong walang imik.