CPR


Welcome, I would like you to meet Calibrated Pampatay Response. Para siyang punerarya, buhay na buhay 'pag may patay. Pwedeng sila 'yung mga nakikita mong naka-motor na escort 'pag may libing. Wag kang pasaway at baka ika'y water cannonin. Wag ka nang tumulad sa mga winater cannon at lumayo sa mga wawater cannonin. Sige ka, nasa huli ang pagsisisiD. Bakit mo pa mamanehohin ang sasakyan patungo sa iyong kapahamakan? Baka bumangga ka pa sa mga bakod ni Bayani o matamaan ng bomba sa bakery. At bakit ka tataya ng worth 100 pesos sa Lotto? Ilang kaha na rin ng yosi ang mabibili mo sa isang daan! Ang moral lesson dito, papirmahin ang mga umoorder ng beer sa restawran. Baka malasing 'yan mamamaya at makalimutan. Tanging "Hiik...wala akong inoorder na beer" ang maririnig. Magsisisid ka nanaman sa huli. At kapag nakatapos na ako ng pag-aaral pero nakahilata lang sa sopa, bumabangon kapag "Anak, kakain na," aba'y kanyon na nga ang katapat ko.
***
Reporter: Saan mo ina-attribute ang pagkapanalo mo bilang Ms. International?
Precious Lara Quigaman: Sa dalawang bagay lang. Una, sa pagiging Pilipino ko. At ikalawa, sa Diyos.
Dad: (Sa bahay, habang nanood ng TV) Ako, tatlo. Sa pagiging Pinoy, sa Diyos, at sa Extra Joss.
***
Patas lang. Si Dolly Ann Carvajal daw kasi, mother na, father pa. Si IC Mendoza naman, son na, daughter pa. =)
***
Kung nalulungkot ka, alalahanin mo na lang na bawal mag-turtleneck ang mga kalbo dahil magmumukha silang deodorant at bawal mag-grass skirt si GMA dahil magmumukha siyang sipa. Nire-review lang kita, for sure narinig mo na 'to sa friends mo.
***
Once, Rusell invited me to watch Corpse Bride. Dahil dito, nagkaron kami ng bagong tawagan. Ako si Bride at siya si Corpse. Bagay na bagay.
***
Mukhang kailangan talaga natin ng CPR. Nang mapadaan ako sa Elliptical Road, may naaninag akong Lung Cancer of the Philippines. Ay, lung center pala. Pero parang bagay naman kasi maraming umuubo sa bayan natin.. na tinutugunan naman ng ating gobyerno sa pamamagitan ng CPR.
***
Nakakainis 'yung mga materialistic na girlfriend. Sila ang mga naririnig mong kunwa'y naglalambing pero... "Bi... bili mo ko nun."
***
Totoo bang mas malupet ang utot na tahimik? Kung gayon, tawagin itong Silent Killer.
***
Sa wika natin, nakakadiri ang karamihan sa mga salitang inuulit. Examples: katas-katas, mamasa-masa, sabaw-sabaw.
***
Mabagsik ang guard na naka-enkuwentro namin sa peyups. Nakatambay kami sa isang palapag ng bagong tayong gusali nang lumapit siya at nagpapanic na ata. Ganito ang entrada: "May nakita ba kayong lalake na lumilibot dito... mukha siyang estudyante... pero nagbebenta ng pastillas." Ano ba yan... parang suicide bomber tuloy ang dating ng self-supporting student na yaon. Tsk tsk tsk.
***
Sana dumating ang panahong 'pag nakasakay sa eroplano, meron ding "Bayad ho, estudyante" tsaka "Para ho, dyan lang sa ulap."
***
Sana kapag campaign period ng mga pulitiko, may marinig tayong "Pag binoto n'yo ako, mangungurakot ako at hahatian ko kayo."
***
Sintomas daw ng ovarian cancer ang pakiramdam na laging busog. Aba'y excempted pala sa sakit na 'to ang mahihirap? At prone naman ang mga corrupt officials.
***
Walang magawa si mama isang hapon, kumakanta na lang ng "Indian pana, kaya mo 'ba 'to (kakana-kana), kaya mo ba 'to..." Carry mo ba 'to?
***
Pre-enlistment period nanaman. Pahirap talaga itong CRS (Computerized Registration System) namin. Kailangan ng katapat na CPR. Pwede ring Computerized Resuscitation System. Wala pa 'kong PE!!! Kaya nga pati sa Tap Dance nagbabakasakali na 'ko. Kulang na lang pati Weight Training For MEN patulan ko. Pathetic...

Popular Posts