Gusto Kong Sumali Sa PBB!

Nakakasuya sa simula. Ika nga nila, "Umaarte sila, 'di naman kilala!" Meron pang naaasar na "Di ko maintindihan 'yang show na 'yan! Kahapon pa sila eh. At bakit ang dami nila sa bahay ni Brother?" Pero idinaan ko na lang ang pagkabagabag sa pag-iimagine: What if kami ang titira for 100 days sa Big Brother House?

Kaya, mabilis pa 'ko sa alas kuwatro. Nakagawa na 'ko ng complete line-up. Humanda kayo para sa bagong 12 housemates at sa unique personalities nila (Ok kung wisdomers ang makakabasa nito.)!

1. Mary June Conti - baliw, source ng ultimate sigla sa bahay, pero nakahilata lang at 'di tumutulong sa household chores...pero malakas ang karisma at 'di mahahalata
2. Mister X - mala-Uma. Iintrigahin ang kasarian pero magmamatigas na lalake siya. Nagbebenta ng tsokolate sa housemates
3. John Martin Samarita - Hunk daw. Pero tahimik lang. Kung si MJ ang Say...siya ang prince charming, siyempre. Pwede ring Sam na laging gustong samahan ni Uma which is Mister X.
4. Marrian de Goma - 'Pag may ipis sa house, siya ang titili at magsasabi ng "Eew! Ayoko na talaga rito Big Brother! Help!!! It's so kadiri."
5. Roxando Roxas - Kumakanta ng "I'll Never Love This Way Again" araw-gabi. Mataas ang tono, parang ispirista sa bahay ni kuya.
6. Michael Mangulabnan - Maikli ang pasensya pero mapagbigay. Lagi niyang ishi-share ang pagkain, sabon, shampoo, toothpaste, etc. Pero siya ang unang mae-evict dahil naninira ng kasangkapan 'pag umiinit ang ulo.
7. JP Alonzo - Laging may hawak na reviewer. Siya lagi ang matagal mag-stay sa Confession room dahil mala-nobela lahat ng komento. Laging kaaway ni Mister X kaya consistent sila sa pag-nominate sa isa't isa.
8. Tina Reyes - Ang siga pero kikay. Sexy 'to kaya fit na fit ang 2-piece. 'Wag siyang aasarin at tataasan ka ng kilay at 'di papansinin sa loob ng isang araw.
9. Paul Laroza - Kilala sa tawag na "Libog" pero 'di naman siya talaga bastos. Fond of green thoughts lang pero nakakaaliw at gumagalang sa housemates.
10. NiƱa Perello - Cute lagi. Mother image, but a lot better than Ate Raquel. Siya ang conduct awardee, model housemate. At dahil dyan, siya lagi maglilinis ng CR, magsi-set ng lamesa, magma-mop, atbp.
11. Analyn Sysunco - Kabiruan ng lahat. Kapustahan ni Big Brother na kung by 40 years of age ay wala pa silang asawa, sila ang magkakatuluyan.
12. Fluffy de Jesus - 'Pag narinig ng ABS team ang maliit niyang boses, tiyak na pasok na siya sa Bahay ni Kuya. Cuuuuute!

My nomination will always go to Mister X with this explanation: "Nakakasira lang po ng gamit dito sa bahay. Wala po siyang ginagawa na nakakatulong." Pero wag ka, magiging pasaway din ako. Susuwayin ko ang mga utos ni Big Brother at pupunta kami lagi ni John Martin sa confession room even if it is not called for! Wahaha... At kahit palayasin pa kami, babalik at babalik pa rin kami sa bahay na 'yun. Pag di kami pinapasok, dadaanin namin sa bomb threat. Kung kami namang tatlo ni Ton at Mister X ang maiiwan, asahan mong pagtutulungan naming matanggal si X. Kontrabida talaga e noh. Ngayon pa lang, umaapila na 'ko para sa inyong suporta. Magtext kayo para sa 'min ha! (*wink)

Sa tingin ko, kahit ano pang gawin ko, 'di mapapalayas si Mister X sa bahay dahil sa palagay ng iba, mahalaga pa siya lalo na kung may tumutulong tubo at naputol na sampayan. Si Marrian, magvo-volunteer na umalis. Papalitan naman siya ni Nanquil. This program will be hosted by Marlon Borreo (Willie Revillame), Kushu (mala-Marriel na pang-madaling araw), and Laleine. Ang dalawang Big Brother: Mabagos and Fetalvero.

Popular Posts