Noise

Habang narito ako, nag-iingay ang mga aso't pusa sa labas. Lumalandi ata ang huli habang tinutugunan naman siya ng mga galit na tahol. Sa inis, napapamura ang isang babae: "Ang ingay n'yo, mga hayup kayo!"

Pero wala na sigurong mas hahayup pa sa halimbawang ito ng wet dream (as shared by one of my closest friends and ka-telebabad). Nanaginip si _ _ _ _ na siya raw si Tarzan. Siyempre topless. Ang catch: Hinahabol sila ni Jane ng mga NPA sa kagubatan. Takbo sila nang takbo hanggang mapagod at makapagpahinga sa isang sulok na madamo. Dito magaganap ang x-rated na bagay. Sa'n ka pa?
***
Sexist words: titimbangin, kikiluhin, titibayan, kikinisin, titino, titirahin, kikintab, titira, titilaok, kikislap, kikilatisin.
***
Magandang pagsamahin ang mga apelyido ng dalawa kong kaklase nung high school: si Cabahug at si Mabagos:
Cabahug + Mabagos = Mabahug, Cabagos. Use in a sentence: Kinausap ni Mayor Cabagos ang tribong Mabahug.
***
Matagal ko nang tanong ito: Ano ba talaga ang mabisang pananggalang sa body odor? Merong nagsasabing gumamit daw ng Old Spice dahil sumikat ito sa kanyang money back guarantee. Pero ikaw, matatanggap mo ba kung maririnig na si MJ ay gumagamit ng Old Spice? Ang panget kapag kumalat ang ganyang tsismis. Inaalagaan ko pa naman ang pangalan ko. Gusto ko pa kasing makuhang shampoo commercial model. Nagtataka ka noh? Akala mo kasi laging buhaghag ang hair ko. Oo nga, kaya 'pag nasa ad na 'ko, may caption na Don't Let This Happen To You!
***
Minsan, pinagtalunan namin ni Mabagos kung may pinagkaiba ba ang "nagyayabang" sa "mayabang." Kapag daw sinabihan kang nagyayabang, tiyak away na ang susunod. "Pare nagyayabang ka e!" O kaya, "E nagyayabang pala 'to e." Susuntok na yan o. Pero 'yung "mayabang," pang-tsismis at comment lang. "Ayoko sa kanya, mayabang siya e."

Ang punto ko naman, mas malala ang mayabang. Pwede kasing nagyayabang ka sa isang panahon pero hindi na sa susunod. Pag madalas ka nang nagyayabang, dun ka lang matatawag na mayabang. Ibig sabihin, nakakapit na sa budhi mo.

Ikaw, anong mas pipiliin mong itawag sa 'yo?
***
Hindi ko nanaman mapigilang mag-isip kung ano ang mga magbabago sa 'kin 'pag bente anyos na 'ko. Siguro aalalahanin ko lagi ang mga bagay tulag ng Meralco at repair ng kisame.

Speaking of Meralco, iiimplement na raw ang e-vat pagsapit ng November 1. Tamang-tama, araw ng mga patay. It's either papatayin ang lahat ng ilaw sa bahay (magsisindi na lang ng mga kandila) o papatayin si GMA mismo (itanong natin kay Miriam Santiago). Malala na nga p're.
***
Isang gabi, pumalya ang baterya ng sasakyan namin. Kinailangan tuloy magpatulak sa hatinggabi. Kinabukasan, napalitan na ang batt (salamat sa express delivery) at kinukulit ko nanaman ang nanay ko.
Me: Ano bang silbi ng baterya? 'Di ba pwedeng gas na lang ang magpatakbo sa kotse?
Ma: O sige, pero laging de-tulak ang kotse mo. Ang panget naman ata kung ang ganda nga ng kotse mo pero tuwing aalis ka, "pare patulak naman."
Me: E di mag-imbento ng rechargeable battery tapos wala na lang gas.
Ma: Anong palagay mo sa kotse, parang cell phone? Bakit, tumatakbo ba ang cel? Tinatakbo ng magnanakaw, Oo.
***
Bakit hindi ko malimot ang jingle ng sumikat na inumin nung 90's? Ganito ang simula nun: "Come on let's go, it's a brave new world. We can do it, we're no ordinary kids." Keans Nutrivim 'to. Ni hindi ko natikman.

Popular Posts