Terrorism
Naalarma ako sa inilabas na terrorist profile sa 24 oras. Tignan mo:
1. naka-cap na, naka-sunglasses pa
2. naka-backpack
3. halatang ninenerbiyos at umiiwas sa awtoridad
4. may cell phone
O, bakit iniiba mo ata ang itsura mo at lumilingon ka pa dyan? Chinecheck mo kung may pulis noh! Hehe.
***
Debut ngayon ni friend Meline! Nung isang gabi lang nagpapatulong siya sa pagbuo ng mga eighteens. I suggested 18 demons. Pwede ring 18 pets para pagpasok ng mga kaibigan niya ay naka-costume ng daga atbp.
***
Isang araw, nagsindi ng katol si mama sa kwarto namin para 'pag natulog kami dun sa gabi ay wala nang mga nangangagat. Ang problema, nakaligtaan niyang patayin hanggang sa maubos na nga ang pamatay-peste. Ang tindi ng amoy na umabot hanggang sa oras ng pagtulog namin. Kinabukasan, kumapit na sa damit at balat namin ang samyo. Naging "walking katol" kami! Maganda ba 'to? 'Di na kami nilalapitan ng mga lamok na nagdudulot ng Dengue eh!
***
Kapag oras ng siyesta, madalas manood si mama ng mga lumang action films na pinapalabas sa local networks. Naiinis ako sa tuwing nakikita na mala-imposible ang galing ng mga bida. Hindi tinatamaan ng bala, nakakalabas sa mga pasabog na kotse, at kung anu-ano pang supernatural powers. Pero tignan ang mga extra na isang segundo lang ata ang appearance dahil sila 'yung mga biglang lumilitaw at agad na nababaril.
***
Palihim mo bang pinapakialaman ang love letters ng kapatid? Bakit 'di ka na rin kumuha ng red ballpen at ikorek ang grammar? Lagyan din ng remarks. Sabihin halimbawa na magaling itong mag-express ng sarili at maaari pang iimprove ang writing style.
***
Naawa ako sa matanda na ipinakita sa koreksyunal. Inako niya kasi ang kasalanan ng anak na nagbebenta ng marijuana. Mula nang mapasok dun, 'di na dumalaw ang damuho. Naaalala mo ba si Mayor Sanchez na nakulong sa kasong rape? Balita raw noon na inako lang din nito ang kasalanan ng anak. Kapag kaya gumawa ako ng krimen, aakuin din ni mama? Ito lang ang nasabi niya: "Di kita kilala!"
***
BA Encyclopediology
Major in Brittanica? Ito nga ang bagong kurso na sana ay i-provide ng mga kolehiyo dahil tiyak na ito ang magpapabago sa tunguhin ng buhay nating mga Pinoy. Para sa mga bookish. Madali lang naman, ito ang mga pagdaraanan ng bawat estudyante:
Ø For beginners, merong Ency 101 at 102. Ang mga kumukuha nito, pwede pang magbago ang isip ukol sa course na kukunin nila. Kasi, letter A pa lang naman ang covered nito. Bale, memorize all entries that begin with A. Go na at magpa-photocopy ng readings! Tiba-tiba si ate sa xerox machine nyan.
Ø Para sa mga hindi top ng batch nila, pagiging ahente ng encyclopedia ang fallback.
Ø Para sa thesis, gagawa ka ng sariling encyclopedia. Hal. Conti Encyclopedia. Siyempre, ide-defend mo rin bawat page nyan para magkamit ka ng titulong "Walking Encyclopedia"
Ø Nais bang mag PhD? May expeditions yan para maka-gain ng interplanetary knowledge.
The best ang course na 'to dahil ikaw ang "jack of all trades, master of everything." All around, para kang nagtapos ng medisina, batas, engineering, and so on... At dahil alam mo lahat, 'di ka na marahil mamamatay dahil alam mo kung pa'no iwasan ang kamatayan. Plus, nakamit mo na ang Nirvana. Ang tanong, ilang taon kaya para magkamit ng degree na BA Encyclopediology? Kung balak mong mag-aral nito, kumain muna ng sangkatutak na yogurt at gawing panulak ang yakult para lumusog ka.